ito ang bumulagang text message pagkagising ko kanina. at putik, nalimutan ko nang ako nga pala ang naka-assign maghanap o gumawa ng design para sa 2008 calendar ng grupo. at nangako ako na bago mag-alas diyes ng umaga ay ipapadala ko na sa kanila.
"aayusin ko pa" ang sagot ko, pero sa totoo lang, nakalimutan ko na talaga sya, maliban sa background picture na matatabunan din naman ay wala pa akong nagagawa! hala ka!
pagdating ko ng opisina mula sa pakikipagbuno sa trapiko sa bawat kanto, nagpa-explain muna ang bosing ko tungkol sa mga komplikasyon ng fund transfer, kung di ba raw ba nagugulo ang buhay ko dun sa paglipat-lipat ng pera, at kung ano-ano pang mga bagay na wala lang. hehehe.
alas-9 natapos ang kwentuhan namin, sakto sa break time. at dahil natapos ko na rin yung mga hinihingi sa akin, pwede kong isingit sandali ang kalendaryong ito!
at heto na, di pa man uminit ang pigi ko sa pagkakaupo, merong nag-YM!
"hi bro, kumusta na? remember yung design... (smiley na nakangisi)"
di ko na muna pinansin, at pinagpatuloy ko ang paghahanap ng pictures sa mga files ko at sa tatlo pang cd na pinahiram sa akin. naka-ilang buzz din sya bago ko pinatulan hehehe.
"malapit na, wait lang, wag masyado excited kasi puro scandal ang laman ng cd na binigay nyo!"
"hehehe, uy, maglagay ka dun ng picture na kita ang mukha ko ha" sagot naman nya. aha! kaya pala nangungulit kasi gusto nandun ang mukha nya. hehehe.
"(smiley na nakangisi)" ang sinagot ko
sa loob ng halos 30 minuto, natapos ko sya, sa powerpoint ko na lang ginawa at di ko na ginawang kumplikado.
balak kong palitan ang background dahil mukha syang magulo, at gusto ko ring dagdagan ng borders ang bawat picture para ma-highlight ang bawat litrato. mukhang naglalabo-labo ang mga kulay ano? ansagwa hehehe.
hindi ako isang eksperto sa mga ganito, at di ko rin alam bakit ako ang na-assign dito, pero tinanggap ko at ginawa ko, at marahil kung mas pag-iisipan ko pa ng mabuti at bibigyan ng maayos na preparasyon, i can do better. lilinisin ko sya mamayang gabi (and an idea suddenly pops up from nowhere) :)
happy weekend everyone, at ingat sa paparating na bagyong Mina.
25 comments:
mas maganda yata kung sa photoshop mo sya gawin..sayang yung ganda ng mga pics e :) i-collage mo na lang tapos e layer mo..tapos curve ..tapos color adjustment,tapos inverse, tapos .....teka sige power point na nga lang hehehehhe!!!
penge ako kalendaryo ha bigay ko sayo address ko :)
manilenya, ang problema kasi wala akong photoshop o kahit publisher man lang, hehehe.
padalan kita :)bigay ko sayo link :)
Ehem, wala bang nude sa calendar mo? Mwehehe... :-D
I tried to magnify the image , pero di pala pwede.
Don't forget to show us the final layout .
Great looking calendar !
ayos ha. sige, punta ka ng quiapo, pagawa mo at ibenta... hehehe... kumita ka pa.
i thought it looks good already. it is eye catching.
kapag ganyang mabilisan ang paggawa narinig mo ba ang tibok ng puso mo? :D
okay yung tanong ni Carlotta ah...masyadong malalim hehehe natawa ako hahaha
anyway di ko masyadong makita yung mga pictures hehe what is it with men and the color blue????
Goodluck in your tweaking of your project. Ano maganda ba kinalabasan?
Napaisip tuloy ako kung smiley pa rin ba ang tawag pag hindi nakangisi.
@vernaloo: nalunod ka ba sa kalaliman ng aking mga kataga? lol :D
tama ka. medyo nagka-clash iyong color ng background at pictures. penge ako ng kopya ha?
manilenya, libre ba yan? haha
sngl, wala pa akong kakayahang gawin yun eh hehehe
gina, medyo pressured na rin kami sa oras, 50-50 pa kung matutuloy sya.
sidney, thanks. :)
jho, me bibili naman kaya? hehe
thanks belle, but i think it can still be improved.
carlotta, hmm, naririnig at nararamdaman ko kasi dumadagundong sya! hahaha.
hanep sa tanong ha.
verns, blue is the color of the sky na me clouds. hehehe
leah, i gave it to the expert, sila na bahala mag-tweak.
abad, kasi me smiley na nakasimangot, meron ding smiley na umiiyak o di kaya nagbi-beautiful eyes hehe. :)
atticus, sana makaya pa ng oras para mapa-print. :)
Post a Comment