Wednesday, July 09, 2008

hostage

isa akong hostage.

sa simple kong pagkakaintindi, tungkol ito sa inosenteng biktima na napagitna sa dalawang mayabang ng pwersa, walang magawa kundi maluha at magmakaawa, manginig sa kaba at maihi sa takot.

isa akong hostage. katulad din ng mga ordinaryong tao. na napapagitna sa hirap. sa kalam ng sikmura. sa kawalan ng suporta. sa kawalan ng pera.

bukas, o sa makalawa, tataas ng P0.50 ang isang sakay sa jeep dahil sa himutok ng isang industriyang spoiled masyado sa kinauukulan, na kapag di pinagbigyan ay isang umiiyak na pagmamaktol ang ipupukol sa walang kalaban-labang si juan. tigil-pasada ang sagot, at sa mga pasahero, bahala kayo sa buhay nyo!

at ang gobyerno? kunyari ay astig pero kaagad-agad ding tutupi. at sa mga pasahero? ililibre na lang kayo sa trak ng basura, tapos bahala na rin kayo sa buhay nyo!

ang sarap maging ordinaryong pasahero sa bayang ito no? pipilayin ka sa taas ng pamasahe, papabayaan ka sa kalye, at ni isang hagod ng proteksyon wala kang maramdaman.
sa mga isyung tumutubo dala ng isa pang sutil na industriya ng langis, me konting paghinga ang naibibigay sa muling pagtaas ng pamasahe sa hanay ng mga tsuper at operator ng jeep, naambunan naman ng tila dugong grasya dala ng VAT ang bangkaroteng kaban ng bayan at sila'y nagbubunyi na ito raw ay naibabalik na sa tanan, pero teka lang, ang sa bugbug-saradong ordinaryong pasahero ba na naghihingalo na sa mga pasanin ay meron bang nag-aalala?

meron bang nagsasabi na karapatan naman ng pasahero ang dinggin? na mga pasahero naman ang bigyan ng pansin?

hindi ba isa yang uri ng panggigipit?

isa akong hostage na tinatadyakan ngunit di makalaban. iniipit. pinababayaan.

may boses pero naririnig ba? o mas tamang sabihing, may nakikinig ba?

suntukan na lang tayo! o di kaya ganito na lang gawin nyo sa amin!

32 comments:

jho said...

pareho lang tayong hostage. Grabe. Magtataas nga nang sahod, tataas din naman ang lahat ng bilihin at bayarin. Isama mo pa yan tax. e pinaganda lang yun 50000 na exemption. tingnan nyo ang braket. bumababa. meaning, ganun pa din ang tax na ibabawas sa atin sa ating kinikita sa opisina.

hindi ko tuloy masisi ang mga kababayan natin na nangingibang bansa...

carlotta1924 said...

ewan ko na lang talaga. umiiyak silang itaas ang pamasahe pero kapag natupad naman walang pagbabago sa serbisyo nila---kala mo mga hari ng daan. mga kaskasero at parang mauubusan ng pasahero kung hindi tumigil kada kanto. at dugyot tignan pa rin yung mga sasakyan nila.

Unknown said...

Kasalanan din ng gobiyerno yan eh. Sa tinagal-tagal ng panahon di pa rin nila madisiplina ang mga jeepney drivers at operators.

Kung tutuusin, ang mga jeepneys na to dapat talagang pinagbabawal na sa kalye, hindi lang dahil sa lason na ibinubuga ng mga tambutso nito kundi pati na rin sa pagiging accident prone ng mga di naaalagaang sasakyan. "Sira ang brake eh" and laging sagot nila pag naaaksidente... mga leche talaga.

Pero dahil sa naaawa yata ang gobyerno sa mga "kawawang" jeepney drayber, hinahayaan pa rin sila. Pero teka, may naaawa ba sa mga pasahero? O baka, wala lang talagang yagbols ang LTO?

Nick Ballesteros said...

Aray. Yung nasa litrato at yung pasahe.

Oman said...

dati, pag sinabing jeepney, proud tayo kasi pinoy na pinoy ang dating. pero ngayun, parang nagiging simbolo na ang jeepney ng kabastusan at pagkawalang galang ng mga driver sa kanilang mga pasahero.

di miminsan na nakakita tayo ng mga pasaherong biktima ng kanilang di magandang pakikitungo.

tama ka, pinagbigyan sila ng gobyerno na magtaas ng singil sa pamasahe. dapat naman na ayusin nila ang kanilang serbisyo sa taong bayan.

(this is not a generalization but just an observation)

escape said...

whoa! galing ng twin jump!

walang kwenta ang gobyernong ito. ang lupit ng style. hindi inaamin na ang taas na ng corruption kaya ayon wala ding ginagawang solusyon!

lei said...

bunjy jump na lang para mas torture..

yan naman ang nararanasan naten mga ordinaryong mamamayang pilipino..

Anonymous said...

Grabe no? Panay taas ng pamasahe sweldo natin tagal tumaas. hehe. Gulat na lang ako sa FX mahigit 5pesos tinaas.

atticus said...

oist. huwag galit. marami pang darating na kunsumisyon.

ganda ng picture. winner.

kelan ang kasal?

Anonymous said...

Hostage! That's the right word. I couldn't have thought of a better word.

Para bang jeepney drivers and bus operators lang ang kumakain, tayo hindi na. If you come to think of it, mas malaki pa ang kita ng mga iya sa isang titser!

Panaderos said...

Like Bugsybee said, you hit the nail right on the head with your use of the word "Hostage" to describe the average commuter's situation.

Pasensiya na ang mga drayber pero hindi ako naaawa sa kanila. Marami sa mga iyan eh abusado at demonyo magmaneho sa daan. Iyong iba eh marami pang asawa at anak na pinalalamon. Ang probleman naman sa pamahalaan eh ang pagiging kulang nito sa "political will" in dealing with those drivers. Tanggalan ng mga franchise at lisensya ang mga iyan at tignan natin kung ano ang mangyari sa kanila.

Anonymous said...

hi, zherwin..

nakikiramay sa iyong dalamhati. pero di ka naman nag-iisa. ewan ko ba, tila walang katapusan ang panggigipit, at tila humihina lalo si Juan...

tungkol naman sa 5000 exemption, makasabat na lang, di naman bentahe yun para sa maliliit. kahit anong pagbabaligtad ang nakinabang pa rin ay ang mga kapitalista, ilang bilyon lang ang natipid ng mga maliliit kumpara sa ilang daan bilyon na natipid ng mga mayayaman. isa pa ring panloloko, actually.

GingGoy said...

ang sarap itulak sa tulay mga taong walang kwenta sa gobyerno, no?

pero kung ganyan kaganda tubig sa baba saka safe naman ako na mismo tatalon hehe

you also from PFCH?

zherwin said...

jho, yan di ang sabi ng mga kaibigan kong auditor, highlighted lang yung pagtaaas ng exemptions pero mababalewala paglabas ng bagong tax table, tapos ayun tataas pa ng tataas ang lahat ng bilihin. hanobayan!

zherwin said...

carlotta, naku! nakakainis ang mga driver na parang namamasyal sa pagpick up ng pasahero, minsan sinita ko ang driver, nagalit pa sa akin dahil para raw wala akong konsiderasyon at gusto lang nilang kumita, sinagot ko ulit: eh sa pasahero ho ba, me konsiderasyon kayo? dinedma ako! hahaha.

zherwin said...

rudy, hindi naman lahat ng driver eh siraulo, pero marami talaga sa kanila. naku, kung seryoso ang LTO at MMDA sa smoke-belching policy nila baka kalahati ng mga jeep na yan di pumapasada! minsan mismong mga enforcers ang pinapausukan, wala, nakatunganga lang! ang saya-saya no?

zherwin said...

wats0n, sinabi mo!

zherwin said...

lawstude, gusto ko nga makipagpalit ng pwesto sa kanila, ako sa lugar nila at sila naman yung babastusin ko. gusto kong maramdaman nila yung hirap ng paupuin ang kalahati lang ng pigi para mapagkasya ang sampung tao sa dapat ay pang-waluhang upuan lamang.

zherwin said...

the dong, kasi kasali sila sa naaambunan.

zherwin said...

lei, kawawa naman tayo no? sana isinilang tayong anak ng pulitiko no? libre sasakyan na, me wang-wang pa! leche. hehehe

zherwin said...

ferdz, duduguin muna tayo bago iapprove ang taas ng sweldo! dyusko, kahit sa mga corporation, parang walang alam sa totoong nangyayari ang mga nakaupo sa board! waaa

zherwin said...

atticus, hapi tots ba? hapi tots!!!!

mga ilang buwan na lang. :)

zherwin said...

bugsybee, ay totoo yan, parang promotion yan para sa mas mataas na pwesto, napakaraming beses nang naba-bypass ang mga teachers.

at ang nakakainis pa, etong mga operators ng bus reklamo nang reklamo na wala na raw silang kinikita, wala na raw silang kinkain pero kapag nagpapa-interview sila sa tv, nagmumura ang kanilang mga alahas, example dyan si claire dela fuente ba yun?

zherwin said...

panaderos, wala namang kumukwestiyon sa kagustuhan nilang kumita pero sana lang naiisip din nila ang sentimyento ng mga pasahero na sa totoo lang ay syang bumubuhay sa kanila.

hay naku, the government has a political will but sad to say, it involves only themselves or most likely something that they can benefit from.

zherwin said...

bingskee, para ngang lumang pader na pininturahan lang ng bago para magmukhang maayos pero di naman inayos yung pundasyon, na later on kapag nabakbak na ay lalabas at lalabas din na nabubulok yung loob at kailangan nang gibain para mapalitan ng bago.

napaka-ironic na kung sino yung dapat ng tutulong sa mga tao ang sya pang yung magbabaon at gumagawa ng paraan para lalong maghirap ang mga tao. puro palabok lang.

zherwin said...

tutubi, tapos hihilahin tayo kapag tatalon na sila hehehe.

um, ano yung PFCH?

Abaniko said...

Ang mga mapag-aping hayop na nagpapahirap sa bayang ito, durugin ang kanilang mga buto't laman at pulbusin. Pagkatapos ay isahog sa lamaw para ipakain sa mga gutom na buwaya.

Hindi ako lasing ha. Hehe.

Anonymous said...

wah grabe ano..puro pahirap talaga. d2 din nagsitaasan na lahat, pwera sa sweldo..haybuhay.

di bale. makakaraos din tau.

zherwin said...

abaniko, epekto ba ng red horse ba yan ha? hehehe.

teka, ano yung lamaw? :D

zherwin said...

fingertalks, sana nga, ang tanong ay kelan tayo makakaraos?

ysrael said...

nag-post na ako dati ng ganitong isyu at doon ay tinatanong ko ito parati na " Tuwing mag-aaway ang Driver/operator, LFTRB, Oil company at ang Gobyerno tungkol sa presyo ng langis at pamasahe tayong mga pasahero ang apektado na hindi naman nakialam at kasali sa mga problema nila. Tama ka lagi na lang tayong hino-hostage ng mga bwiset na yan..Naku kung kaya ko lang lakarin mula batasan hanngan QC circle hindi ako sasakay sa mga yan.

Anonymous said...

kaya ako naglalakad na lang. dati kasi sa UP ao nagsisimba sa tanghali, and i spend P120 for taxi (round trip) kasi hindi ako mahatid, now tumaas na lalo ang pasahe sa taxi. naisip ko tuloy dito na lang ako sa may village namin magsimba, pwede pang maglakad at exercise pa. ang tricycle--P16 na din, kahit malapit lang.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails