Monday, June 08, 2009

Love affair

2003 nang una kitang nakita, una kitang napagmasdan, una kitang nahawakan. Alam kong merong mas higit ang katangian kesa sa iyo pero ikaw na iyong gusto ko, nakuha mo na ang atensyon ko, at kahit sa unang tagpo pa lang, yari na ako.

First outing natin ang Baguio, at kahit ilang beses ko na syang narating, iba pala ang pakiramdam nung nakasama kita, higit kong nakita ang natural nitong ganda at ikaw ang dahilan sa ibang antas ko ng paghanga.

Nasundan pa ito ng maraming beses, sa iba't-ibang lugar. Kahit ang pamilya ko ay nagustuhan ka rin, at swak na swak nga raw dagdag pa ng mga kaibigan. Higit pa kitang inalagaan, higit pa kitang pinahalagahan.

At hindi mo ako binibigo.

Alam ko ang limitasyon mo, kung hanggang saan lang ang kaya mo, pero nagagawa mong sumabay sa akin kahit sa matataas na bundok, sa malalamig na lugar, sa mga delikadong bangin at mga kwebang kahit pagapang pasukin ay di mo tinatanggihan. Dinala rin kita sa gitna ng dagat at kahit ang hampas ng mga alon ay di mo sinukuan.

Hanga talaga ako sa iyo.

Kasama kita sa mahahalagang pahina ng buhay ko, at kahit sa paglagay ko sa tahimik, nandun ka pa rin, hindi ka bumitaw. Nasa tabi pa rin kita.

Yun ang akala ko.

Unti-unti kang lumalayo. Dahan-dahan mong pinaparamdam na hanggang dun na lang ang kaya mo, na "you can only take so much..."

Para akong binuhusan ng malamig nang noong mismong kasama kita, tumigil kang bigla, tinitigan kita pero wala akong nagawa, nagpaalam ka pa rin. Hindi ako makakibo, naghabulan bigla sa isip ko ang mga taon ng pinagsamahan natin, ang mga sandaling kasama kita habang ako'y pinagpapawisan, noong sabay tayong nahahamugan at magkasama tayong nauulanan. Hindi ako makapagsalita. Eto na ba yung sinasabing wakas?

Sa bawat linggong lumilipas ay pilit kitang ibinabalik pero ayaw mo, blangkong ekspresyon lang ang nakukuha ko, ni ayaw mo akong makita sa sarili mong mata at ni anino ko'y hindi magrehistro sa iyo. Nakayuko na lang akong tatalikod at lalayo sa iyo.

Siguro napagod ka na rin. Marahil naibigay mo na'ng lahat at mali ako sa pag-aakalang inbinsibol ka, o talaga lang oras na para maputol ang lahat?

Naging bulag ako sa di pagtanggap ng sitwasyon, binigyan kita ng oras para makahinga, para makabawi, at minsang di ko mapigil ang sarili, binalikan kita at laking tuwa ko dahil di naman ako nabigo. Muli mong pinaramdam sa akin ang mga taon na tangan kita, muli mong nilampasan ang limitasyon mo at nilabanan ang tawag ng panahon...kahit sa huling pagkakataon.

Mas maluwag sa loob ko ngayon ang tanggaping mawawala ka na, mas bukas ang isip ko ngayon na balikan ang naiambag mo sa akin, na nagawa nating lampasan ang hamon at yabang ng panahon...

Hindi kita ililibing, hindi kita itatapon.

Dahil sa bawat galos ng balat mo ay naukit ang ating pinagdaanan, sa bawat bukas ng lente mo'y nahanap ko ang gusto ko. Dahil sa iyo natuto ako. At kahit antigo ka nang maituturing, kahit 3.2 megapixels ka lang, walang optical zoom, walang manual focus at walang pang-macro, pinamulat mo sa akin pano mahalin ang photography.



Paalam, camera ko at maraming salamat.

(Wala syang pangalan pero isa syang Sony DSC P-32)

31 comments:

IA. said...

Zherwin! kaw talaga! i was hardly breathing when i was reading this, akala ko you were losing, or lost someone. sigh. buti na lang, camera lang pala. hehe. excuse that. i know how important cameras can be to their owners, esp if the owners are die-hard photographers.

anyways, happy new sa bagong camera mo!

The Scud said...

nice one! akala ko kung ano. yan ang una kong digital cam. pinamana ko na sa mama ko. :D

atticus said...

TARANT! lika rito, pabatok lang.

bili ka na ng canon mo. :)

escape said...

hahaha... kala ko talaga kung sino. good bye old camera... this means we'll welcome a new one.

carlotta1924 said...

anovah! kala ko kung ano na! LOL! :))magaling, magaling, magaling! ahluvet!:)

iba talaga pag andaming pinagsamahan, no? sige go, bili ka na ng bagong cam :)

backpacking philippines said...

it's not the camera but the one using it...all my cams have names by the way :P

ysrael said...

Talo ko sila 1st paragraph pa lang alam ko na that you are referring to your camera. Nice piece pare kita-kita at feel na feel yung pagmamahal mo sa camera mo buti hindi nagseselos ang wife mo.

zherwin said...

IA, nakakainis ako no? hehehe. lalo na siguro sa katulad kong basurero na hindi mahilig magtapon, baka forever na sa akin ang camerang yan hehe.

zherwin said...

the scud, ka-swerte naman ng mama mo at ka-galante mo naman, nagpapamana ng camera. hehe

zherwin said...

atticus, canon ba kamo? ayaw, mahal, binigay mo na lang sana sa akin yung dati mo :D

zherwin said...

the Dong, new camera? hopefully. :D

zherwin said...

carlotta, parang beer lang no? hehe. that new camera will come, sooner than later.

zherwin said...

backpacking phils, true but it wouldn't hurt if one can have a good camera di ba? pano ka pala pumipili ng pangalan?

zherwin said...

ysrael, yari tayo dyan, mukhang malapit nang magselos hehe.

p0kw4ng said...

ahihihi..parang ang sarap pakasalan ng camera mo ano..napaka sweet!

pag may nawala may papalit na mas...mas matindi yan!

ang gaganda naman ng mga petyurs...salamat nga pala sa pagdaan mo sa bahay ko!

manilenya said...

mwahahahaha! ulanya pwede bang magmura? sasabihin ko sanang hayufffffff ka akala ko tungkol kay lalabs mo to e lol.

mahina ang ulo ko e. boba ako lol!
so naka DLSR ka na ngayon? ganun?

Hoobert the Awesome said...

hehe. ang akala ko naman kung ano. sabi na nga ba camera ang tinutukoy mo. pero nadala ako dun. magaling! magaling kua zher!

so, may bago kang cam?

vernaloo said...

susss...sa umpisa pa lang eh alam ko na na camera pinag uusapan dito hehe

ganyan talaga buhay bro. boyfriend nga napapalitan camera pa kaya. so don't worry...you'll get over the loss someday soon wehehehe

kakabalik ko lang sa blogosphere although I am updated with the happenings in your life kasi nagbabasa at nagvi-visit pa rin ako sa mga blogfriends ko.

Ako pala si Verns in case nakalimot ka na hahaha

bing said...

naalala ko tuloy ang nawala kong canon digital camera ko. me zoom nga yun at medyo advance na feature at di ko pa tapos hulugan noon, wahhh!

bloghopping from pan...

Panaderos said...

Matagal din pala ang inyong pinagsamahan ng camera mo. :D It's proof of high SONY quality.

I wish you the best of luck with your new one. I hope your new one lasts as long, if not longer, than your old camera. :)

zherwin said...

pokwang, kasama ko sya nung kasal namin, nagselos siguro kaya biglang na-dead hehe.

zherwin said...

manilenya, me ganun? lol. nag-isip lang ako ng konting style para maiba naman hehe.

zherwin said...

.poot, hmm, tingnan na lang natin sa mga sunod na araw hehe.

zherwin said...

hi verns, nice meeting you hehehe. o pano, post mo na rin yung night shots mo. :)

zherwin said...

bing, naku, yun ang masakit, di na nagamit tapos di pa bayad!!! waah, sana me insurance pag ganun no?

salamat sa dalaw. :)

zherwin said...

panaderos, matindi nga ang pressure sa susunod na camera, kailangan malampasan din nya ang mga bundok at dagat na yan.

Abaniko said...

Now you have reason enough to buy yourself a new DSLR camera. Go, Zherwin!

zherwin said...

abaniko, sana lang mura ang dslr hehe.

J. Protacio said...

Hehehehe.. nice one bro!



Common Gavel (Your fellow indio)



i linked your blog with mine..
hey link me up too ok?

http://www.jayprotacio.blogspot.com

and

http://www.jayprotaciomendoza.com

"where there is link... there is peace..."

zherwin said...

J. Protacio, ka-indio!!! no problem brother, and thank you for the visit.

dodong flores 도동 플로오리스 said...

So sweet...

Hi, Zherwin. Pareho din pala tayo, sentimentalist sa mga gamit :)

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails