eto yung first studio shoot ko, syempre namangha na naman ako tulad nung first time. syempre kinabahan na naman ako, syempre pinagpawisan na naman ang lolo nyo.
isa sa mga tip na nakuha namin para maghanda sa mga ganitong shoot ay magbasa/tumingin sa mga fashion magazine, at kung me nakitang gustong posing ng model, aba ay kopyahin at ilagay sa kodigo. namemorize ko yata yung mga posing na gusto ko pero nalimutan ko rin, memory gap! me ilan sa amin me dalang magazine, me dalang picture, at me kodigo talaga. ako? nakitingin-tingin, nakiusyoso, nataranta hehehe.
ewan ko kung ano ang nangyari pero nung ako na ang nakasalang, parang me sapi yata ako at nakapag-isip ng ilang posing, mga simple lang pero nagustuhan ko ang kinalabasan!!!
sya si Jem, ang model na natapat sa akin, sya talaga yung tinatarget kong pikturan dahil bukod sa kakatapos lang nyang lagyan ng make-up, napakaamo ng mukha nya, at ang ganda pa ng bone structures (me bone structures pa akong nalalaman hehe). for a face like that, parang gusto ko ng medyo edgy, so nosebleed na naman!
buti na lang, napaupo ako at naisip ko ito:
ay, putol ang bumbunan at siko! take two:ayos?
eto, group shot ng apat na model (tapos na yung grupo namin dito pero nakisingit pa rin ako hehe):
Models: Jem, Kim, Hannah and Jon
Location: Imagesmith Studios
Make-up artist: Charlie Rivera
Stylist: Archie
gusto ko pang umulit! me magpapa-picture sa inyo? libre! :)
12 comments:
Seryoso na tayo sa photography ah. Mamaya maya pa nyan, nakikita na namin ang pagalang mo sa glamor magazines.
galing! agree ako kay abaniko. at aabangan ko rin yan :)
oh enough landscape and beach shots for me. i should get into this! hahaha...
great shot buddy and hmmm... subject too.
Hi, Zherwin. Ang ganda ng mga models dito. Siyempre, ang galing din pagkakuha ng photo ni Jem. Mas mahirap ang studio shoot kesa landscape photography...
abaniko, sana nga, pero matagal pa yun, napakarami pang dapat matutunan (at dinudugo ang ulo ko sa sobrang technical hehe)
carlotta, thanks. sana di ka magsawa mag-abang hehe. :)
dong, try mo ang ganito minsan, iba rin yung pakiramdam kapag controlled environment.
dodong flores, totoo yun, aside from the fact na dapat me baon kang poses, dapat alam mo rin yung technicalities ng shoot, dapat maganda ang rapport mo sa model, dapat in-command ka lagi, dapat...
hay. pero gusto ko sya exciting sya masyado hehe.
galing. me like the last.
galing nga, pwede ako pa picture, libre sabi mo ha. hehehe
hailey's, thanks. :)
anonymous, oo ba, pero pakilala ka muna hehe.
Post a Comment