Tuesday, April 13, 2010

sunset mode

eto ay para sa mga araw na
habang ang iba'y gumagala
ako nama'y monitor ang kaharap
keyboard ang kausap
at mouse ang hawak.


medyo grounded lang, hindi maka-travel. hindi makapag-shoot. pero hindi ako nagre-reklamo, nami-miss ko lang ang tawag ng dagat, ang kinang ng sunset, ang hampas ng hangin sa bundok, ang bigat ng backpack, ang putik at alikabok sa sapatos...

kaya nung makasilip ako ng pagkakataon na makapag-shoot ng sunset, para na rin akong nakapag-travel, parang narinig ko na rin ang tawag ng dagat. maaaring hindi ko naramdaman ang hampas ng hangin sa bundok, wala akong mabigat na backpack at di nalagyan ng putik ang sapatos ko, napuno naman ang saya ang mababaw kong kaligayahan.

sana makatisod ulit ako ng mga sandaling ganito, sabi nga sa isang lumang commercial: ito ang gusto ko!

(Breakwater, Mall of Asia)

2 comments:

Oman said...

ganda naman. iba talaga sunset ng manila bay.

carlotta1924 said...

waw ang ganda ng sunset!

tama ka, kahit wala yung ibang factors ng great outdoors, iba talaga ang effect ng sunset, kumpleto na ang feeling... :D

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails