Wednesday, December 12, 2007

dapat bang magdala ng trabaho sa bahay?

Pangkaraniwan na sa mga empleyado ang mag-uwi ng trabaho sa bahay, na kadalasang pinag-aawayan ng mga mag-asawa.

"maghapon ka na ngang wala, tapos pag-uwi mo, wala ka pa ring panahon sa min ng mga anak mo..." yan ang kadalasang linya ng partner mo.

Oo nga naman, dapat balanse lang ang buhay... me panahon para sa trabaho at me panahon para sa mga mahal sa buhay. yan ang dapat nating sanayin: balanseng buhay para sa masayang pagsasama!

naalala ko tuloy ang kapit-bahay ko. tahimik lang sila.... masaya,at palagi kong naririnig na nagtatawanan. nguni't isang araw nagulat ako sa aking narinig, iyakan ng mga bata, galit na galit na nanay, "walanghiya ka! bakit ka nag-uwi ng trabaho dito?

"pasensya na mahal, ang dami lang talagang trabaho, baka di ko matapos e kailangang mai-deliver na agad ito." sabi ng lalaki.

sa loob loob ko, minsan lang naman ata nag-uwi ng trabaho di pa pinagbigyan. tuloy pa rin ang sigawan, ang iyakan.... lubos na akong nabahala kaya kinatok ko sila.

"tao po, tao po, okay lang ba kayo dyan?" binuksan ng babae ang pinto at galit na galit na nagsumbong sa kin

"hay naku, nakakataas ng presyon tong asawa ko, nag-uwi ng trabaho dito sa bahay!"

"intindihin mo na lang, minsan lang naman ata ginawa eh ,baka sobrang dami lang talaga ng trabaho nya ngayon at meron pang deadline." ang sabi ko sa kanya.

Galit na galit ang babae na sinagot ako..."ay buwisit talaga, alam mo bang embalsamador ang asawa ko?"

:)

17 comments:

Anonymous said...

o nga, number one na dapt di mag-uwi ng trabaho yan

dragonfly philippines

Nick Ballesteros said...

Inaaaayyy ko pooooo!

Unknown said...

Hehehehe... :-D

-snglguy-

carlotta1924 said...

namaaaaaannnn!!!!! LOL =)

(nga pla, verva omnes liberant: words free us all ^^)

vernaloo said...

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...screw "for better or worst" pag ganyan ang sitwasyon! hahaha

Lazarus said...

akala ko accountants lang ang magdala nga trabaho sa bahay. pati din pala ang embalsamador. ha ha.

Lazarus

zherwin said...

tutubi, me formalin din kaya syang dala? hehe

zherwin said...

watson, dedicated lang sa trabaho, pasensya na hehe. :)

zherwin said...

sngl, c",)

zherwin said...

la carlotta, sosyal ang pangalan ha. hehe

zherwin said...

verns, pagkatapos nya, dadalhin naman yun sa make up artist hehehe. :)

zherwin said...

lazarus, baka ayaw ding magkaron ng back log hehe

Anonymous said...

ehew, katakot!

Anonymous said...

A very industrious employee indeed :) Good joke LOL !

zherwin said...

belle, ;)

zherwin said...

bw, indeed! hehehe

Toe said...

Serious ka ba? Totoo ba 'to? This is just too funny! :)

Myself, I never bring work home... too lazy. :)

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails