Showing posts with label happiness. Show all posts
Showing posts with label happiness. Show all posts

Friday, July 22, 2011

Just read from somewhere...

"The world doesn't revolve around you,
it revolves around the sun."

makes sense, right? and has a scientific basis to back it up. :)

just make our families our world, and love will be our sun.


happy weekend!

Tuesday, December 08, 2009

first

alas-singko pa lang ng umaga, dumadagundong na ang pakiramdam ko. dumaan ang alas-sais, ang almusal, hindi pa rin nagbabago. madilim sa kwarto ko at di makakapasok ang araw, pero parang nagliliwanag ang lahat kapag napapatingin ako sa salamin at naiisip kung bakit ako nandito.

masarap ang almusal, mainit at solb sa kwentuhan, relaks-relaks daw dapat at wag magpapanic pero sa bawat sulyap sa relos at nakikita ko ang pag-ikot ng bawat segundo, hindi siguro ako masisisi ng kahit sino kung me nagka-karera sa loob ng dibdib ko.

alas-syete.
alas-otso.
alas-nuwebe.

buti hindi nagrereklamo ang telepono ko sa maya't mayang tawag at text, buti hindi pa nagtatampo ang wallet ko sa maya't mayang pagdukot, pagbukas at pagtatago ulit.

alas-nuwebe y medya. kailangan ko nang maligo bago ko pa malimutang gawin ito, nakakahiya naman kung haharap akong di nalapatan ng shampoo at sabon ang katawan.

masarap ang tubig, mainit at solb na sabayan ng kanta... pero napunit ang pagkanta ng malalakas na katok sa pinto. nagulat syempre ako, at nakatapis ng tuwalya, tinakbo ko ang pinto, naramdaman ng balat ko ang lamig ng aircon at bumakat ang basa kong mga paa sa carpet, pagbukas ko ng pinto, sari-saring ingay ang bumalaga sa akin: "bakit ang tagal mo?" "ano bang ginagawa mo?" "kanina pa kami dito" "di mo sinasagot ang cellphone" "kinabahan tuloy kami" at kung ano-ano pa. naliligo po ako. pumasok at tumahimik na sila.

dumating na ang pamilya ko, isang batalyon! kasama ng mga kuwentuhan nila ang pagpasok ng maraming kaldero, mga pagkain (dito tayo magtatanghalian) at mga abubot pa. bumalik ako sa banyo at muli ring bumalik ang ingay, sila yata yung nate-tense hehe.

alas-diyes.
alas-onse. kailangang kumain ng maaga at baka makalimutan ko pa itong gawin.

alas-dose. buti hindi pa nagrereklamo ang kuwarto ko sa samu't saring ingay sa loob, buti kaya pa ng aircon ang dami ng tao, buti nakakapag-relaks ako sa gitna ng kaabalahan ng mga tao.

ala-una.
alas-dos. kailangan kong lumabas ng kwarto, kailangan kong maging presentable. at nakita ko sya, parang me kakaibang liwanag ang kanyang mukha, parang me mapang-aliping hatak ang kanyang ngiti. dun pa lang gusto ko nang mag-"I do..."
si lyn, napakaganda sa kanyang simpleng ayos, napakagaling ni Princess Misa na nag-make up sa kanya, lutang na lutang ang ganda nya at kumikinang ang kanyang mga mata. nahimasmasan lang ako ng me tumapik sa balikat ko, wag ko raw masyadong titigan at baka matunaw, mamaya pa ang kasal. :)

alas-dos y medya.
alas-tres. naramdaman ko ang init ng mga ilaw, me naramdaman akong ilang sa pagbibihis sa harap ng kamera pero awtomatiko ang paglabas ng ngiti at kalauna'y nasanay na rin ako. napigil ko pa ang luha ko nung kami ni mommy ang kuhanan ng litrato, pero sya naluha na, naalala namin si daddy.

alas-tres y medya. andaming tao sa Paco Park, lahat nakangiti, lahat bumabati, lahat kakilala ko.

alas-kwatro. marahil hindi lang dagundong ang nararamdaman ko, marahil hindi lang karera ang meron sa loob ng dibdib ko pero mas higit ang saya na bumabalot sa katawan ko, sa isip ko, sa dibdib ko.
hindi ko na nabilang kung ilang hakbang ang patungong altar, hindi ko na maisa-isa ang mga nadaanan kong nakangiti, hindi ko na rin nalaman kung gano kabilis o kabagal ang bawat ikot ng mga segundo dahil tumigil ang mundo ng makita ko si lyn na nakatayo na sa may pinto, sumisigaw ang ligaya na di kayang takpan ng kanyang puting belo.

sa pagyakap ko sa aking ina, di na nagpapigil ang mga luha.

sa paghalik ko sa mga kamay nina nanay at tatay, naging emosyonal ang paligid.

sa paghawak ko sa kamay ni lyn, doon na nagsimula ang aming pagiging isa.

December 8, 2009: first year anniversary namin. napakaraming dapat ipagpasalamat, at napakaraming dapat pasalamatan: ang Diyos, ang aming mga pamilya, ang aming mga kaibigan.

Maraming salamat at samahan nyo kami sa marami pang mga taong magkahawak ang kamay.

Tuesday, July 10, 2007

minsan, pumasok ako sa isang kwartong puno ng tao...
ayun...
kinabukasan, nauso ang fans club!

--------------------------------------------

minsan, may nanaginip tungkol sa akin...
yun na...
nauso ang dream boy!

--------------------------------------------

minsan, naging baby ka,
ayun...
nauso ang tiyanak! (peace po hehe)

--------------------------------------------

dad: anak, ibili mo nga ako ng softdrinks
anak: coke o pepsi?
dad: coke
anak: diet o regular?
dad: regular
anak: bote o in can?
dad: bote
anak: 8 oz o litro?
dad: anak ng... tubig na lang nga!
anak: natural o mineral?
dad: mineral
anak: malamig o hindi?
dad: hampasin kaya kita ng walis?!?
anak: tambo o tingting?
dad: animal ka!!!!
anak: baka o baboy??
dad: layas!!!
anak: ngayon ba o bukas?
dad: ngayon na!!
anak: hatid mo ko o hindi?
dad: papatayin kita!!!
anak: sasaksakin mo o babarilin?
dad: babarilin
anak: sa ulo o sa tiyan?
dad: PESTE!!!

-------------------------------------------------

anak: ipis o daga??
dad: (nagtatakbo palabas ng bahay) AHHHHHHH

-------------------------------------------------

Friday, June 22, 2007

minsan


minsan, tumayo lang ako sa tabi ng aming pintuan
ayun, nauso ang boy next door.

minsan, naglakbay ako sa isang bayan,
ayun, nauso ang crush ng bayan.

==============================

ang nagagawa nga naman ng trabaho hehehe.

happy weekend everyone (sana makapag-post nako ng matino next week).

Tuesday, June 19, 2007

samu't saring usapan.

usapan ng dalawang aso:

Aso 1: pare, ang laway daw natin ay may rabies, at ang rabies daw ay nakakamamatay?
Aso 2: o tapos, ano'ng problema?
Aso 1: nalunok ko yung laway ko pare, kinakabahan ako!!!

------------------------------------

usapan ng dalawang pusa:

Pusa 1: pare, umalis ka nga sa tabi ko at nahihirapan akong huminga!
Pusa 2: o eh anong koneksyon?
Pusa 1: HELLO?!? me hika kaya ako! allergic ako sa fur! meowww...

-----------------------------------

usapan sa isang jeepney:

Pasahero: manong, me bayad ba kapag bata?
Driver: wala.
Pasahero: kapag kandong?
Driver: wala rin.
Pasahero: o anak, upo ka, kakandong ako sa yo.

-----------------------------------

tanong: bakit hinihila ang tali?
sagot: kasi mahirap itong itulak!

:)

Wednesday, March 28, 2007

tawa

mga lumang jokes mula sa baul ng aking mailbox:
===================================

JINGGOY: Dad, bakit ba maalat at may asin sa dagat?
ERAP: Sinadya yan ni Lord para sa ganun hindi mapanis ang mga isda..

===================================

TITSER: Ano ang PAST TENSE sa LABA?
BOY#1: Naglaba mam!
TITSER: Tama! Ano ang PRESENT TENSE?
BOY#2: Naglalaba!
TITSER: Tama! Ano naman ang FUTURE TENSE?
BOY#3: MAGSASAMPAY mam!

====================================

ERAP: Hello, I would like to inquire how long is the flight to San Francisco?
OPERATOR: Just a minute, Sir...
ERAP: Really? Thank you..

====================================

SA RESTORAN...
CUSTOMER: Waitress! Ano ba 'tong binigay mo sa akin, kape o tsaa? Lasang gas 'to ah!
WAITRESS: Kung yan ay lasang gas, Kape yan! Ang tsaa kasi lasang pintura!

====================================

ENRIQUE ZOBEL: half Filipino, half Spanish.
HENRY SY: half Filipino, half Chinese.
JUAN FLAVIER: half Filipino, half Igorot.
LITO ATIENZA: half Hawaiian, half Polo.
JOHN OSMENA: half Filipino, half Filipina.
MIKE ARROYO: half Filipino, half Pork.
AI AI DELAS ALAS: half Filipino, half Moon.
GMA: half...

====================================

smile and the world smiles with you. :D

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails