(okey, magbi-break muna ako sa pulag post ko dahil nakita ko na ang kadugtong ng Nang sumali si Inday sa Deal or No Deal. hehe)
laughing trip muna tayo. (pwede nyo ring basahin muna ang
part 1)
…
dumating na sa kalagitnaan ng show at mukhang minamalas na si Inday…
Kris: Ok Inday, mukhang kelangan na natin ng tulong sa mga friends mo… sino ba yung bigotilyong lalaki na naka-polo? Ano name nya?
Inday: Ahh, that’s my master Mr. Montemayor.
Kris: Ahhh sya pala yun, how cute naman pala eh. Sige sir, give us a number.
Mr. Montemayor: Hi Kris, good evening. I’m a fan. I choose number 22 please.
Kris: Ano Inday ok ba yung number 22?
Inday: Whatever, we shouldn’t bite the hand that feeds us anyway. Go ahead.
Kris: [taray naman] Sofie, buksan na!
[ang laman ng briefcase 22 ay 5,000]
Kris: Good job! Sino naman yung gwapong lalake na naka jumper na katabi ni Mr. Montemayor? What’s his name?
Inday: Ahh, that’s my on again, off again boyfriend, Dodong the gardener.
Kris: Ooohh, sya pala yun. Ok Dodong, give us a number!
Dodong: Hi babes, I choose briefcase 9 if it’s ok with you. If not, it’s ok with me as long as it’s ok with you.
Kris: Ano raw? Inday, number 9 daw ok say0?
Inday: Yes Kris, it’s fine with me.
Kris: Wow ang bait pag kay Dodong. Ederlyn… buksan na!!
…nanlaki ang mga mata ni Inday at hindi sya makapaniwala. Natahimik at mukhang kakapusin sya ng hininga…
Inday: YOU!!! How dare you invade my moment!
[nagulat si Kris at ang mga audience sa reaksyon ni Inday. Nagpatawag si Kris ng commercial break at nagpakuha ng tubig para kay Inday.]
Ederlyn: Pinapangako ko, Inday… pagbukas nito luluhod ang mga tala! hahahahaha!
Inday: What? Can you speak up? What are you mumbling up there. Can somebody give her a microphone please?
Kris: Ano ba!! Tama na nga ang drama ninyo, Ederlyn buksan mo na ang case at umexit ka na kung ayaw mong mapalitan! (naiirita na si Kris)
Dali-daling binuksan ni Ederlyn ang briefcase at ang laman ay… P3,000,000. Nanghinayang ang mga audience… Ang mga natirang values ay 250, 1K, 20K, 50K, and 500K.
Inday: NooOoo…. (sabay tingin kay Dodong at napapaluha), how could you…
Dodong: I’m so sorry Inday, please forgive me.
Kris: Hayyy, drama again. Ang offer ni banker sa pagbabalik ng Kapamilya, Deal.. or No Deal!
[pagtapos ng commercial break… mukhang composed na ulit si Inday]
Kris: Inday, are you okay? Ang offer ni banker ay 99 thousand pesos. ‘Sing rami siguro ng pilipinong pinadugo mo na ilong. Is it a Deal or No Deal?
Tahimik lang si Inday tilang may kinocompute sa ulo habang ang mga audience ay nagsisigawan ng “No Deal”, ang iba naman ay “Deal”.
Kris: Wait lang, kung mapapansin ninyo, we have only have 5 cases left, and among those 5, apat doon ay mas maliit na value…
Inday: Kris, do you mind? Can I do my own thinking?
Natameme si Kris, pati ang audience ay natahimik.
Kris: Taray to the max! (
pabulong sa sarili)
Inday: Ok, I’m ready. Upon looking at the reality of the situation, 80% of the cases left have at least 49K less than the banker’s offer. The only way I can do better than what is offered is that if my case contains the 500k or I’d get to open one of the four lower values. But I have to keep in mind that there’s only 20% probability that this would happen. I have to take note, however, that the banker’s offer is roughly around 15% lower than the offer I expected based on the arithmetic mean of the values left.
Kris: Lorddd… panaginip ba ‘to? Ayokonaaa….
Inday: Accepting a deal for less than the mean should generally be regarded as a weak decision so I would say, NO DEAL!
Limang briefcase na lang ang natitira at kasama na doon ang case ni Inday…
Kris: My God, nakaka-stress itong episode na ito ha. Baka dumugo na rin ang ilong ko sa’yo, Inday. Sige Inday, go ahead and choose 1 briefcase!
Inday: Ok Kris, I choose briefcase #5 please?
Kris: Briefcase #5! Mimi bago mo buksan yan, I would first like to thank Figliarina by Schubizz for my sandals, Bambi Fuentes for my hair and make-up and Pepsi Herrera for my gown tonight.
Kris: Ok Mimi, buk…
Inday: Ahh Kris, can I also take time to thank a few people? I mean, I did save us a few minutes of airtime right?
Kris: (“kapal naman talaga ng mukha”…bulong sa sarili) Sige, ok lang go ahead. (naka-smile pa rin)
Inday: Thanks! Yes, I would like to thank Frank Provost for my hair and make-up, Jimmy Choo for my sandals and my dear friend Oscar dela Renta for my gown tonight.
BLAG!! Itinumba ni Kris ang podium at nagwalk-out. Hindi na natapos ang show kaya’t binigyan na lang ni Banker si Inday ng kalahating milyon para sa kanyang oras.
Inday: Oh, and thanks to the people of Cartier for sending me these nice earrings for tonight!
[Ito ang isa sa mga un-aired episode ng Kapamilya, Deal or No Deal]
***** T H E E N D*****
salamat kay calvin para sa pagpapakita sa akin ng link patungo sa BLOG NI INDAY. opo, meron na rin syang blog at kung gusto nyong silipin ang buhay ni inday, punta kayo
dito.
happy weekend everyone, KANPAI!!!!