(me nagpasa lang sa akin, natuwa ako, kaya share ko sa inyo. atsigurado, katulad ng ibang inday jokes, me kasunod pa ito...)
KRIS: Magandang gabi, mga kapamilya. Sa game show na ito, importante ang sagot sa nag-iisang katanungang, ‘Deal or No Deal?’ Ang ating player ngayong gabi ay walang iba kundi ang fastest-rising household services manager na si Inday!
[Umentra si Inday at nagpalakpakan ang mga tao.]
KRIS: Ok, Inday, choose a briefcase.
INDAY: Kris, I would opt for case #4 please
KRIS: Briefcase # 4... si Sharmel. Inday, matanong ko lang, how did you come up with the number 4?
INDAY: Oh, do you really want to know, Kris?
KRIS: Oo naman. I’m sure, kaya ko namang maintindihan ‘yung sasabihin mo, eh.
INDAY: The number 4 was acquired based on a probability distribution function that involves integrating up to an area greater than or equal to that random number which should be generated between 0 and 1 for proper distributions.
KRIS: Ok, Inday, choose 6 briefcases to open.
INDAY: I would opt for 7, 24, 12, 2, 15 and 20.
KRIS: Wait lang, Inday. Usually, isa-isa lang ang pagbubukas natin ng case...
INDAY: Why is that? As if I can change the outcome if we’re to open a case each time I blurt out a number as opposed to opening each case immediately one after the other right?
KRIS: Hayyy... babaguhin pa talaga mechanics? (bulong sa sarili) Anwyay, di bale na lang nga... tuloy tayo. Number 7. Natalie, buksan na!
[Sumigaw ang udience ng, "LOWER! LOWER!"]
INDAY: (tahimik)
KRIS: Teka lang, bago natin buksan... Inday, usually ang mga contestant natin ay sumisigaw ng ‘LOWER’ every time magbubukas ng case.
INDAY: Kris, I guess that’s not the way I was taught in grade school. You see, I was taught that we should only use the comparative form of the word or add ‘ER’ to the adjective if we are comparing two things. And since it is only the first briefcase that we are going to open, we have nothing to compare it to. Am I right?[Natahimik ang audience at napaisip.]
KRIS: Oo nga, ‘no?! Sige, Natalie, buksan mo na.[Ang laman ng briefcase #7 ay piso. Palakpakan ang mga tao.]
KRIS: Good start! Ano ‘yung next case mo ulit?
INDAY: Case# 24, please
KRIS: Chloe... buksan na...
[Sumigaw ulit ang audience ng, "LOWER! LOWER!"]
INDAY: (tahimik lang)
KRIS: Wait lang, guys. Inday, may nabuksan nang case, bakit hindi ka pa rin sumisigaw ng, ‘Lower’?
INDAY: Oh my goodness, Kris! How long have you been doing this? Have you ever encountered a value that is lower than a peso in this game? Tell me, is there any value left lower than the one we just opened?
[Napaisip ulit ang audience at natahimik]
KRIS: Aarrgghh!!! Chloe, buksan na lang nga, pati na rin ‘yung 12, 2, 15 and 20, buksan na rin para matapos na. (naiirita na)
[At sunud-sunod na ngang binuksan ang mga briefcase na pinili ni Inday.]
[Nag-ring ang phone.]
INDAY: Ahh, Kris… to save more time, can you tell Banker that I’m not interested in his first offer? In the history of this game of chance, I have yet to see someone accept a first offer from the Banker. It’s quite pathetic and pretentious for contestants to pause and look around the audience as if asking for advice before ultimately rejecting the first offer. I mean, come on, isn’t that a waste of airtime?
BANKER: Potahhh!!! [narinig sa set kahit sarado ang kuwarto ni Banker]
[Ito ang unang pagkakataon na marinig ng audience ang boses ni Banker sa Deal or No Deal.]
hmmm... pati tuloy ako napaisip pero me logic naman yung sinabi ni inday di ba? hehehe.
happy tuesday and i am back from a very tiring Mt. Pulag climb, kwento later. :)
26 comments:
Saan ba talaga grumadweyt ang Inday na yan at gumagamit pa yata ng Binomial Probability Distribution Function para lang pumili ng piso. Ibang klase!
natawa ako. pwamis! marami ako dapat gagawin ngayon... nagbukas lang in internet para makapag-unwind. hala, sobrang unwind ito... hahaha... aabangan ko ang kasunod.
Ayus talaga si inday ah! Kung saan saan napadpad. Nadaig pa mag english si Kris!
Pulag post na!
isa kang henyo inday!
Natawa rin ako...HAHAHAHAHAH!!!
hAY,it's been a while that I laughed like this by myself.
Ikaw talaga, tenk yu ha!=))
hah ang kulit ni inday as in! natatawa akong sarap din sabunutan sya nyahahahaha! =)
LOL! Panalo yung post na to. Kaya huwag maliitin si Inday! :)
*verns...napapailing na lang*
Inday! Please bring me a bottle of alcoholic beverage produced by the fermentation of sugars derived from starch-based material...
dyaskeng inday to, so infectious, tawa na lang ako ;-D
abaniko, binomial whaaat? (nosebleed) :)
jho, baka ang susunod nasa big brother house na sya hehehe :)
ferdz, bukas, promise :)
intsik, two-year vocational course daw ang natapos ni inday, kasi ayaw syang tanggapin ng ibang university dahil dinudugo ang registrar sa kanya hehehe. :)
ironnie, :)
gina, all the time. ;)
carlotta, na malamang malapit nang gawin ni kris hehe. :)
sayote queen, oo nga, kaya nga ansayang i-share. :)
verns, tsk tsk tsk ;)
sngl, LOL
lawstude, ;)
very very funny post..
Is she the same Inday Garutay? hindi siguro bobita yun eh.
I seldom watch that show kasi panay celebrity ang pinaglalaro taga-panood na lang ba tayo :-)
docchef, it was and i am looking for the continuation :)
hey, i like your blog's name: scalpel or skillet? :D
ysrael, no, inday is not inday garutay. hehehe. inday is your regular househelp yun nga lang inglesera (at minsan nagi-spanish din). there are a lot of inday jokes from text to tabloids, some of them even make it to the boobtube (bubble gang, zaido) and some groups are even condemning those jokes as rascist (can you believe that?). it's very similar to erap jokes.
tapos na itong joke na ito. kung gusto niyo mabasa yung continuation punta kayo sa blog nya. http://www.blogniinday.com
search niyo na lang dun deal or no deal. hehe laughtrip sobra. :)
Post a Comment