Tuesday, December 08, 2009

first

alas-singko pa lang ng umaga, dumadagundong na ang pakiramdam ko. dumaan ang alas-sais, ang almusal, hindi pa rin nagbabago. madilim sa kwarto ko at di makakapasok ang araw, pero parang nagliliwanag ang lahat kapag napapatingin ako sa salamin at naiisip kung bakit ako nandito.

masarap ang almusal, mainit at solb sa kwentuhan, relaks-relaks daw dapat at wag magpapanic pero sa bawat sulyap sa relos at nakikita ko ang pag-ikot ng bawat segundo, hindi siguro ako masisisi ng kahit sino kung me nagka-karera sa loob ng dibdib ko.

alas-syete.
alas-otso.
alas-nuwebe.

buti hindi nagrereklamo ang telepono ko sa maya't mayang tawag at text, buti hindi pa nagtatampo ang wallet ko sa maya't mayang pagdukot, pagbukas at pagtatago ulit.

alas-nuwebe y medya. kailangan ko nang maligo bago ko pa malimutang gawin ito, nakakahiya naman kung haharap akong di nalapatan ng shampoo at sabon ang katawan.

masarap ang tubig, mainit at solb na sabayan ng kanta... pero napunit ang pagkanta ng malalakas na katok sa pinto. nagulat syempre ako, at nakatapis ng tuwalya, tinakbo ko ang pinto, naramdaman ng balat ko ang lamig ng aircon at bumakat ang basa kong mga paa sa carpet, pagbukas ko ng pinto, sari-saring ingay ang bumalaga sa akin: "bakit ang tagal mo?" "ano bang ginagawa mo?" "kanina pa kami dito" "di mo sinasagot ang cellphone" "kinabahan tuloy kami" at kung ano-ano pa. naliligo po ako. pumasok at tumahimik na sila.

dumating na ang pamilya ko, isang batalyon! kasama ng mga kuwentuhan nila ang pagpasok ng maraming kaldero, mga pagkain (dito tayo magtatanghalian) at mga abubot pa. bumalik ako sa banyo at muli ring bumalik ang ingay, sila yata yung nate-tense hehe.

alas-diyes.
alas-onse. kailangang kumain ng maaga at baka makalimutan ko pa itong gawin.

alas-dose. buti hindi pa nagrereklamo ang kuwarto ko sa samu't saring ingay sa loob, buti kaya pa ng aircon ang dami ng tao, buti nakakapag-relaks ako sa gitna ng kaabalahan ng mga tao.

ala-una.
alas-dos. kailangan kong lumabas ng kwarto, kailangan kong maging presentable. at nakita ko sya, parang me kakaibang liwanag ang kanyang mukha, parang me mapang-aliping hatak ang kanyang ngiti. dun pa lang gusto ko nang mag-"I do..."
si lyn, napakaganda sa kanyang simpleng ayos, napakagaling ni Princess Misa na nag-make up sa kanya, lutang na lutang ang ganda nya at kumikinang ang kanyang mga mata. nahimasmasan lang ako ng me tumapik sa balikat ko, wag ko raw masyadong titigan at baka matunaw, mamaya pa ang kasal. :)

alas-dos y medya.
alas-tres. naramdaman ko ang init ng mga ilaw, me naramdaman akong ilang sa pagbibihis sa harap ng kamera pero awtomatiko ang paglabas ng ngiti at kalauna'y nasanay na rin ako. napigil ko pa ang luha ko nung kami ni mommy ang kuhanan ng litrato, pero sya naluha na, naalala namin si daddy.

alas-tres y medya. andaming tao sa Paco Park, lahat nakangiti, lahat bumabati, lahat kakilala ko.

alas-kwatro. marahil hindi lang dagundong ang nararamdaman ko, marahil hindi lang karera ang meron sa loob ng dibdib ko pero mas higit ang saya na bumabalot sa katawan ko, sa isip ko, sa dibdib ko.
hindi ko na nabilang kung ilang hakbang ang patungong altar, hindi ko na maisa-isa ang mga nadaanan kong nakangiti, hindi ko na rin nalaman kung gano kabilis o kabagal ang bawat ikot ng mga segundo dahil tumigil ang mundo ng makita ko si lyn na nakatayo na sa may pinto, sumisigaw ang ligaya na di kayang takpan ng kanyang puting belo.

sa pagyakap ko sa aking ina, di na nagpapigil ang mga luha.

sa paghalik ko sa mga kamay nina nanay at tatay, naging emosyonal ang paligid.

sa paghawak ko sa kamay ni lyn, doon na nagsimula ang aming pagiging isa.

December 8, 2009: first year anniversary namin. napakaraming dapat ipagpasalamat, at napakaraming dapat pasalamatan: ang Diyos, ang aming mga pamilya, ang aming mga kaibigan.

Maraming salamat at samahan nyo kami sa marami pang mga taong magkahawak ang kamay.

Thursday, November 19, 2009

Patience

it's really a virtue, and it took me a lot of those to wait and take this shot.


Focal length: 142 mm
Exposure: 1/400
Aperture: f/8
ISO: 200
Manual Focus, Flash not used
Cropped, Contrast adjusted using Picasa 3

Monday, November 09, 2009

waiting

Friday, November 06, 2009

shy type

happy weekend everyone, Kanpai!!!

Wednesday, November 04, 2009

green (but not with envy)

Friday, October 30, 2009

walang saplot


Thursday, October 22, 2009

Da Istudyo shoot

huli man daw at magaling, huli pa rin. (pasensya na po...)

eto yung first studio shoot ko, syempre namangha na naman ako tulad nung first time. syempre kinabahan na naman ako, syempre pinagpawisan na naman ang lolo nyo.

isa sa mga tip na nakuha namin para maghanda sa mga ganitong shoot ay magbasa/tumingin sa mga fashion magazine, at kung me nakitang gustong posing ng model, aba ay kopyahin at ilagay sa kodigo. namemorize ko yata yung mga posing na gusto ko pero nalimutan ko rin, memory gap! me ilan sa amin me dalang magazine, me dalang picture, at me kodigo talaga. ako? nakitingin-tingin, nakiusyoso, nataranta hehehe.

ewan ko kung ano ang nangyari pero nung ako na ang nakasalang, parang me sapi yata ako at nakapag-isip ng ilang posing, mga simple lang pero nagustuhan ko ang kinalabasan!!!


sya si Jem, ang model na natapat sa akin, sya talaga yung tinatarget kong pikturan dahil bukod sa kakatapos lang nyang lagyan ng make-up, napakaamo ng mukha nya, at ang ganda pa ng bone structures (me bone structures pa akong nalalaman hehe). for a face like that, parang gusto ko ng medyo edgy, so nosebleed na naman!
buti na lang, napaupo ako at naisip ko ito:
ay, putol ang bumbunan at siko! take two:

ayos?


eto, group shot ng apat na model (tapos na yung grupo namin dito pero nakisingit pa rin ako hehe):

Models: Jem, Kim, Hannah and Jon

Location: Imagesmith Studios

Make-up artist: Charlie Rivera

Stylist: Archie

gusto ko pang umulit! me magpapa-picture sa inyo? libre! :)