Wednesday, June 17, 2009

Retro, Baby!

Don't you just love it (or hate it!) that when you're on the look out for something, temptations like this one will pop up on the horizon and lets you drool like a hungry wolf? Well, I am no wolf but, yeah, I am drooling!!!

Introducing: The Olympus Pen (not a compact, not a dslr, it's a PEN)

(For detailed review, go here).


And no, that's not my new camera (how I wish!!!) as I cannot afford this very high-end, very expensive piece of toy. But I can dream right? :)
(Pictures were all taken from dpreview.com)

Monday, June 08, 2009

Love affair

2003 nang una kitang nakita, una kitang napagmasdan, una kitang nahawakan. Alam kong merong mas higit ang katangian kesa sa iyo pero ikaw na iyong gusto ko, nakuha mo na ang atensyon ko, at kahit sa unang tagpo pa lang, yari na ako.

First outing natin ang Baguio, at kahit ilang beses ko na syang narating, iba pala ang pakiramdam nung nakasama kita, higit kong nakita ang natural nitong ganda at ikaw ang dahilan sa ibang antas ko ng paghanga.

Nasundan pa ito ng maraming beses, sa iba't-ibang lugar. Kahit ang pamilya ko ay nagustuhan ka rin, at swak na swak nga raw dagdag pa ng mga kaibigan. Higit pa kitang inalagaan, higit pa kitang pinahalagahan.

At hindi mo ako binibigo.

Alam ko ang limitasyon mo, kung hanggang saan lang ang kaya mo, pero nagagawa mong sumabay sa akin kahit sa matataas na bundok, sa malalamig na lugar, sa mga delikadong bangin at mga kwebang kahit pagapang pasukin ay di mo tinatanggihan. Dinala rin kita sa gitna ng dagat at kahit ang hampas ng mga alon ay di mo sinukuan.

Hanga talaga ako sa iyo.

Kasama kita sa mahahalagang pahina ng buhay ko, at kahit sa paglagay ko sa tahimik, nandun ka pa rin, hindi ka bumitaw. Nasa tabi pa rin kita.

Yun ang akala ko.

Unti-unti kang lumalayo. Dahan-dahan mong pinaparamdam na hanggang dun na lang ang kaya mo, na "you can only take so much..."

Para akong binuhusan ng malamig nang noong mismong kasama kita, tumigil kang bigla, tinitigan kita pero wala akong nagawa, nagpaalam ka pa rin. Hindi ako makakibo, naghabulan bigla sa isip ko ang mga taon ng pinagsamahan natin, ang mga sandaling kasama kita habang ako'y pinagpapawisan, noong sabay tayong nahahamugan at magkasama tayong nauulanan. Hindi ako makapagsalita. Eto na ba yung sinasabing wakas?

Sa bawat linggong lumilipas ay pilit kitang ibinabalik pero ayaw mo, blangkong ekspresyon lang ang nakukuha ko, ni ayaw mo akong makita sa sarili mong mata at ni anino ko'y hindi magrehistro sa iyo. Nakayuko na lang akong tatalikod at lalayo sa iyo.

Siguro napagod ka na rin. Marahil naibigay mo na'ng lahat at mali ako sa pag-aakalang inbinsibol ka, o talaga lang oras na para maputol ang lahat?

Naging bulag ako sa di pagtanggap ng sitwasyon, binigyan kita ng oras para makahinga, para makabawi, at minsang di ko mapigil ang sarili, binalikan kita at laking tuwa ko dahil di naman ako nabigo. Muli mong pinaramdam sa akin ang mga taon na tangan kita, muli mong nilampasan ang limitasyon mo at nilabanan ang tawag ng panahon...kahit sa huling pagkakataon.

Mas maluwag sa loob ko ngayon ang tanggaping mawawala ka na, mas bukas ang isip ko ngayon na balikan ang naiambag mo sa akin, na nagawa nating lampasan ang hamon at yabang ng panahon...

Hindi kita ililibing, hindi kita itatapon.

Dahil sa bawat galos ng balat mo ay naukit ang ating pinagdaanan, sa bawat bukas ng lente mo'y nahanap ko ang gusto ko. Dahil sa iyo natuto ako. At kahit antigo ka nang maituturing, kahit 3.2 megapixels ka lang, walang optical zoom, walang manual focus at walang pang-macro, pinamulat mo sa akin pano mahalin ang photography.



Paalam, camera ko at maraming salamat.

(Wala syang pangalan pero isa syang Sony DSC P-32)

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails