Tuesday, October 30, 2007

masungit

saturday, some fastfood.

me: (smiling, o-ha) uhm, 2 chicken with rice, breast part please.
countergirl: (punching the machine, looks at the stainless something behind the counter) chicken legs lang sir.
me: uhm, wala nang breast part?
cg: (pumunta sa likod, nagbilang yata) chicken legs lang sir
me: you mean, wala nang available na breast part?
cg: (lumingon ulit) puro legs na lang sir
me: (makulit ako) pero meron pang ilulutong breast part?
cg: (nakukulitan siguro) puro legs lang iseserve namin sir!
me: (all of a sudden a mutant chicken with six legs comes to mind) ha?
cg: (says nothing and just looked at the machine)
me: uhm, sure kang puro legs lang iseserve nyo? para kasing imposible yun...
cg: (pumunta ulit sa likod, me sinabi sa kitchen that sounds like something)
me: well?
cg: maghintay kayo ng 15 minutes!
me: (nagulat, looked at her but i cannot find her eyes) cancel mo na lang!
(then i walked away, i overheard her saying "ano ba yan!" and then she called her supervisor: "pa-void nga!")

had she said it in a nice, swettie-sweetie way, "sir, kung okey lang pong maghintay kayo ng 15 minutes (then flashed a smile worthy of a toothpaste commercial with eyes blinking ten times per second)..." or words to that effect then maybe i'll wait, maybe she's just tired or just pressured, but she can still be nice to customers right, or better yet, she should be nice to customers, di ba?

o makulit/masungit din ako? lyn said: "masungit ka rin kasi."

and all of a sudden, it's my fault. hay.

13 comments:

jho said...

Dapat SERVICE ORIENTED SILA! Kung ako yan, aawayin ko yang CG na yan at tatawagin ko ang attention nun manager niya!

Dapat mahaba ang pisi mo kapag nasa ganun kang area ng work regardless kung pagod ka na or may problema ka.

carlotta1924 said...

siguro kung hindi maganda mood ko natarayan ko rin yang cg sa ugali niyang yan.

kaya ako hindi rin nagtangkang magpaassign sa FOH (front of the house) noon kasi minsan madaling uminit ulo ko. dun na lang ako sa loob ng kitchen mas masaya pa =)

vernaloo said...

yeah ang sungit mo kasi! sabay ganun eh noh hehe

hayyy people from the service industry (like me)...kelangan talaga mataas ang EQ kasi may mga customers talaga (like you) na makukulit hahaha

ay! ikaw pala ang friend ko dito at hindi ang cg hehe sorry at mali yung nakampihan hehe

Anonymous said...

Maganda ba? Kasi pag maganda pagpapasensyahan ko. Pero pag hindi, magwawala ako... sayang kasi ang smile ko eh, wahahaha. :-D

zherwin said...

jho, baka kulang pa sa orientation, walang lambing sa customer, sana ngumiti man lang. :)

zherwin said...

carlotta, kaso kapag nasa kitchen ka madali ka namang mapasma hehehe. :)

zherwin said...

verns, naku ha, pagbaliktarin ang sitwasyon, sya nasa pwesto ko ako nasa pwesto nya, naku away na ito! hahaha.

zherwin said...

sngl, ang mahal pa naman ng smile mo hahaha. maganda? uhm...

zherwin said...

intsik, bai! kumusta? hmm siguro me LQ sila nung manager nya kaya medyo halong tantrums ang service nya hahaha

Anonymous said...

go ahead and post the fast food's name and branch, and the time and date it happened. :)

Anonymous said...

Zherwin, you are the kind that never gives up, which is good. i would have cancelled my order, too, if they couldn't give me what i want. it is their loss, not yours, after all, restaurants are everywhere.

zherwin said...

ladycess, kawawa naman yung countergirl... :)

zherwin said...

belle, i agree, our eating experience (be it in a fastfood or a fine-dining resto) will never be satisfying if we're served with a food not to our liking, sayang lang ang ibabayad.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails