Friday, October 05, 2007

La Luz

wala pang walong oras mula nang umakyat at bumaba kami ng batulao, kasama na dito ang halos limang oras lang na tulog, lalarga na naman ako na parang di napapagod. superhero? hehe.

naunahan kong gumising ang mga pusang mahilig maglampungan sa bubungan ng bahay ko, di pa man tumitilaok ang mga manok ay hinarap ko na ang lamig ng tubig, naligo, nagbihis, at di na nagkape. mamaya na lang.

mas matagal pa yata yung paghihintay ko ng tricycle at bus kesa sa aktwal kong byahe, o disoriented lang ako dahil parang pumikit lang ako sandali nasa edsa na ako. oo nga pala, linggo ngayon, walang traffic, nagpapahinga ang mga tao maliban sa akin at sa mga kasama ko hehehe.

sampung minuto bago mag-alas sais, nasa mrt ayala na ko, habang bumababa ako ng hagdan, nakita ko na ang mga kasama ko: tumatawa nang malakas si mau habang me kinukwento si mark at nakikinig naman sina yuyu at neris, at sa may bandang sm makati, me nakita akong nagpa-flying kiss na, si lyn! kasabay na naglalakad ni julie.

beso. beso. beso. dumating na rin si pam, (na groge pa rin sa pagiging sweeper ng batulao hehe) at ilang sandali nandyan na rin ang mag-asawang beng at kit. kwentuhan na akala mo ay may hinihintay pa gayung kumpleto na ang cast. nagrerequest na ng kape ang sikmura ko pero wala pang bukas na kainan, buti na lang nasa tabi si manong at pinagtyagaan ko ang taho.

byahe na kami. at dahil sa arnibal ng taho medyo tumaas ang energy ko pero kape pa rin ang parang itina-chant ng tiyan ko, kaya kelangang dumaan muna ng gasoline station sa slex para sa kape, tinapay at kape.

sa la luz resort pala ang punta namin, tatlong oras na byahe lang yun dyan sa laiya, sa san juan, batangas.

habang kinukwento namin ni pam (sya lang ang kasama ko sa batulao) ang mga pinagdaanan namin sa batulao, panay iling at "ano???" ang karaniwang reaksyon at may sundot pa na "mga pasaway kasi!!". hehehe. thank you for the compliment. :)

ilang sandali pa, samahan pa ng konting pagkaligaw at konting tanungan ("ala ey, kaliwa kayo tapos kanan pagdating dyaan sa susunod na kanto"), dirt road na ang dinadaanan namin at ang signboard ng la luz, ayun nakikita na!

mga unggoy ang una naming napagtripan pagkababa ng van, nagparegister at tiningnan ang reservation namin ("maaga po kayo masyado, pero pwede po kayong mag-stay sa mga cavana"), bumaba kami ng konti at eto na ang bumulaga sa amin:

medyo matagal din kaming nakahilata, pinag-usapan ang tungkol sa trabaho, ang buhay-buhay, ang pulitika, showbiz, ang walang katapusang "grilling" tungkol sa "future"...

umiikot-ikot din ako para makaiwas sa mga tanong kung kelan na ba (hehehe) at para na rin makapag-picture...

at kung sino pa yung limang oras lang ang tulog sa loob ng 48 hours ay sya pang naunang magbabad sa dagat na medyo may taglay na malalaking alon at may kalamigang tubig! pero di rin naman ako nagtagal dahil sisimulan na ang kainan!!!

oo nga pala, nagbayad kami ng tig-P900 para sa buffet lunch, buffet meryenda, buffet dinner, buffet breakfast na sa sobrang dami ng pagkain pati mga isda ay inambunan namin ng makakain, at di naman nila kami binigo dahil nag-imbita rin sila ng napakarami pang mga isda para maki-fiesta at magpa-cute sa mga nagi-snorkle.

at ganito na ang naging kwento namin sa loob ng dalawang araw sa la luz: kain, swimming, kain, picture, kain, swimming, kain, picture, kain, inom, kain, inom, picture, kain, kain, inom, picture, tulog, kain, tulog, kain... at di pa kasama dyan ang mga baon naming chichirya...

kain, tulog, kain, picture... para tuloy kaming mga patabaing baboy...

kain, picture, kain, swimming... parang ang major activity dito ay kumain, secondary lang ang swimming LOL.

ansarap na ipamper mo minsan ang sarili mo, ansarap dito lalo pa't galing sa puyat at nakakapagod na trek, ansarap dito lalo pa't kasama ang taong malapit sa yo na mga wala ring patumangga sa pagkain hehehe (sayang, walang videoke dito...)


understatement ang sabihing very relaxing ang lugar na to, basta masarap dito... kung mag-isa o dalawa lang kayong pupunta dito, medyo mahal ang lugar. pero kung grupo kayong magti-trip dito, ayun, mahal pa rin sya hahaha, biro lang, mas makakatipid kapag malaking grupo.

marami pa akong picture, pwede nyong pasyalan dito.

25 comments:

vernaloo said...

ayyy ay-lab-et! yung ibig kong sabihin yung unggoy wahahahahaha

so kaka naman the pictures! so kaka-inggit...tsk cge lang..some day soon :)

btw yung "itina-chant" na term bago yun? hihihihi

Anonymous said...

ayus! ganda ng mga shot mo zherwin... parang gusto kong pumunta dyan... :D magkano nagastos nyo? ilan kayo?

Anonymous said...

napunta na ako dyan pero sa laiya kami stay...maganda side yung tawag nila la luz nga pero di naman dami isda par snorkeling :(

Anonymous said...

Ok nga ang beach dyan, dami ring isda especially going to the Daguldol jump off. Sarap naman ng buhay.. Kian, tulog, kwento, swimming... Kian, tulog, kwento, swimming... Kian, tulog, kwento, swimming... hehehe

Anonymous said...

Wow wow wow! Gorgeous view! The pretty women I mean, hindi yung beach. Haha. :-D

tina said...

love the shots!!! hayy sana makapunta ako dyan!! one day.. :) hehe

nagutom ako sa food pics

Gina said...

Ewan ko ba, pag nakakakita ako ng picture ng pagkain, iba ang epek sa akin, gusto kong tumakbo sa kusina! :))

Beautiful and relaxing place, good food , company of friends...Hmmmm, ang sarap naman.

carlotta1924 said...

kain, inom, picture, tulog, kain, tulog, kain... ahh, ansarap ng buha nyo! sana makabeach narin ako!

tagal ko nang plano pumunta jan kaso wala naman akong makasama.

=)

zherwin said...

verns, alam mo bang putol ang kamay nung unggoy pero parang nanghihingi pa rin sya ng food? :)

so sama ka na sa coto? hehehe

zherwin said...

lino, yung room namin ay P4100 (good for 10 na yun) tapos required kayong magbayad ng P900 para sa napakasarap na buffet (lunch, dinner, meryenda, breakfast) kasi bawal magpasok ng food maliban sa chichirya, me corkage ang beer & softdrinks pero ang wine wala.

zherwin said...

tutubi, sa may batuhan sa tapat ng la luz maraming isda. :)

zherwin said...

ferdz, hehehe paminsan-minsan kelangan natin ang ganito. pang-recharge. :)

zherwin said...

intsik, pag tinitingnan ko nga sya naaala ko pa yung lasa, sarap!!! lalo na yung okra at bagoong...

zherwin said...

sngl, hehehe, if i have a lens na me zoom naku, di lang yan ang makikita mo hehehe. ;)

zherwin said...

tina, yeah someday mararating mo rin, tapos kami naman ang papasyal ng davao. :)

zherwin said...

gina, same effect here, minsan nga naiisip ko rin yung lasa... :) hay naglalaway ako sa okra at bagoong. :)

zherwin said...

carlotta, naku minsan lakwatsa tayo kasama ang ibang bloggers. :)

Anonymous said...

a perfect place for honeymoon lalo na pag kabilugan ang buwan, anything can happen.

you know when i go home sa beach house ko sa philippines for 3 weeks, ganun rin ang feeling...it feels like heaven lalo na pang full moon.

Anonymous said...

very nice! parang enjoy an enjoy ka sa mga pasyal mo zherwin, ah!

dessa girl said...

i really like this place.. would you believe when we sent some clients to this place they complained that it was crappy? tsk..

zherwin said...

belle, full moon while on the beach, hmmm..

zherwin said...

lazarus, sa konting oras nalimutan ang trabaho. :)

zherwin said...

dessa girl, maybe they're expecting a 5-star hotel?

Anonymous said...

anak, i truly like your style of writing. am no journalism expert just a voracious reader and i like the way your have laid down your journey. parang ang feeling ko ako ikaw! and i read thru till the end kasi nga gusto ko ma-experience experience mo. di ba nga it has been said that you can go places and meet a lot of people, reading!!!! Congratz!!!!

i would like to suggest for your to surf for journalism clubs, groups, etc whatever basta may writing at photo ek ek ek.... may friend ako pero war kami ngayon eh. bwah hahahahaha.... este war nya pala ako sa feeling nya!!! hahahaha.... anyways, keep on travelling and writing and taking those sooooooooooooo beautiful pictures!!!! am so very proud of you!

Anonymous said...

dapat pala, ikaw ako!!!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails