Pero, kung ibabaling natin ang tingin sa paligid, parang gusto ko na syang palitan. Dati, sa Lotto lang ako nakakakita ng maraming taong nakatambay at naghihintay ng turn nila para ma-punch yung mga inaalagaan nilang mga number pero ngayon...
Pasyal ka sa palengke, dinudumog ng mga tao ang NFA Rice, kahit bata nakapila para sa maximum na dalawa o limang kilong bigas kada tao.
Mag-commute ka gamit ang MRT/LRT, parang fiesta sa pag-uunahan!
Daan ka sa Landbank, daig pa ang lotto sa dami ng mga taong gustong makakuha ng one-time P500 subsidy para sa kuryente (qualified ako dyan kasi ang konsumo ko sa kuryente eh nakaka-avail ng lifeline discount).
Pasok ka sa mga government office na nag-ooffer ng loans, hala! ika-151 ka sa waiting! wag na nating isama ang NSO kasi since birth (pun intended) ganun na talaga ang eksena roon.
Sa POEA at DFA o kahit sa NBI at maging sa LTO, di ba dagsa rin ang tao na nagkakapalitan ng mukha at pawis sa pagkuha ng isang form?
Dagdag na rin natin ang mga entrance sa mall na parang yung stick na idinudutdot ng mga sekyu sa pumapasok ay makakadetect ng bomba o di kaya droga.
Kahit ang mga ATM machine pati na rin CR, ultimo artistang pinupuntahan ng tao.
Ngayon, parang konting kilos natin kailangan pang ipila, sa jeep, sa grocery, pati pag-akyat ng hagdan pipila. Ang EDSA nga, isa syang malaking pila!
Sa dami ng pila-pila ngayon, sakto na rin sigurong bansagang Republic of Pila ang RP.
Saan pa ba pwedeng pumila?
15 comments:
Marami pa, Zherwin. Pila sa canteen, pila sa pag-igib ng tubig, pila sa Ocean Park, pila sa Incredible Hulk, pila sa Wendy's, pila sa jeep, pila sa taxi... oo nga ano, ang laking oras rin nagagamit natin sa pagpila?
ibig sabihin nyan bro mahaba ang patience ng mga pinoy :)
Kahit nga dito sa blog mo, minsan feeling ko may pila kasi lagi ang tagal bago lumabas ang comment box, hehe. Sigh. Ok lang naman ang pila basta mabilis at maayos eh. Yan tuloy parang nakakatamad umuwi...
watson, me pila pa rin sa Ocean's park? at pinipilahan talaga ang Incredible Hulk kahit P150 na ang admission price? waaah, ang mahal-mahal na pipila ka pa!
allan, naku, kahit mahaba napuputol din yun!
ia, aray ko hahaha. yung asawa ng kaibigan ko, nainis sa airport natin kasi bakit daw kailangan pang pumila "and fall in line for bunch of wasted minutes for just 4-5 dollars" na babayaran sa airport. mainit ang ulo hehehe.
grabe ano? Pwedeng pang Box Office ang pila ng tao sa NFA, sa Landbank, at sa kung saan pa. Minsan nga iisipin mo, ganito na ba talaga ang bansa natin? Nakakaawang tingnan at isipin, na ultimo bigas, pipilahan mo pa.
As much as I hate falling in line, wala tayong magagawa, ganyan talaga dito sa atin kaya go with the flow na lang tayo. Di ba sa university pa lang tinuturuan na tayong pumila tuwing enrolment? :-D
May pila rin sa bigas sa NFA at pila sa autograph sa ating mga paboritong artista.
jho, darating yung time, me pila na rin para sa oxygen tank.
rudy, iniisip ko na lang ang good side ng pagpila: disiplina.
panaderos, dati pumipila ako sa mga cd-signing hindi na ngayon, mahal na ang mga cd eh hehe.
hi, makikipila.. :D
ang pila! bow!
may kwento ko tungkol sa pila sa isang post ko ang title "terminal". terminal case na kase. hehe.
anyway, nice po ng blog mo. ilink kita ha. thanks.
Hi!
My last pila experience was rebooking my flight to bacolod due to typhoon frank) sa cebupacific office in robinsons ermita. grabe, when we got there, they were serving 130something and we were number 180something, by the time it was our turn 300+ na ang number and 3 agents lang andun. hanep, walang sense of urgency or kahit common sense nalang, knowing na 5 cities ang nacancel na flights with siguro 3-4 flights each city. imagine.
the next day, pila ulit, and through phone naman, we had it rebooked again kasi sa manila naman ang bagyo, more than an hour kami nakahold sa line. ganun ka tindi ang cebu pacific.
ginawa ko ng sumbongan ang blog mo. hehe.
btw, am mariya, verns' cousin. i visit your blog often, to read about new places. i recommended my mothers garden to my friend and they loved it there.
thanks!
Mabuti na ang may pila kesa walang pila. :)
Post a Comment