Tuesday, June 19, 2007

samu't saring usapan.

usapan ng dalawang aso:

Aso 1: pare, ang laway daw natin ay may rabies, at ang rabies daw ay nakakamamatay?
Aso 2: o tapos, ano'ng problema?
Aso 1: nalunok ko yung laway ko pare, kinakabahan ako!!!

------------------------------------

usapan ng dalawang pusa:

Pusa 1: pare, umalis ka nga sa tabi ko at nahihirapan akong huminga!
Pusa 2: o eh anong koneksyon?
Pusa 1: HELLO?!? me hika kaya ako! allergic ako sa fur! meowww...

-----------------------------------

usapan sa isang jeepney:

Pasahero: manong, me bayad ba kapag bata?
Driver: wala.
Pasahero: kapag kandong?
Driver: wala rin.
Pasahero: o anak, upo ka, kakandong ako sa yo.

-----------------------------------

tanong: bakit hinihila ang tali?
sagot: kasi mahirap itong itulak!

:)

2 comments:

watson said...

funny! first time ko nakita ang jokes na ito!

Abaniko said...

Tanong: Bakit tumitilaok ang tandang pag umaga?

Sagot: Kasi magmumukha syang tanga pag tatahol sya.

Ayan, magka-level na ang mga joke natin. Hehe.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails