magmula nang mabasa ko sa blog ni anton ang tungkol sa Jatujak at sa marami ring positibong feedback tungkol dito, ako itong medyo fanatic sa thai food ay di mapakali hangga't di ko natitikman ito. OA, pero ang mapuntahan ang Jatujak ang naging goal ko sa buhay sa ilang linggo ding nakaraan. hehehe.
at heto, nung sabado, pinasyalan ulit namin ni lyn ang Mall of Asia. Una, upang mag-apply ng postpaid cellphone line sa smart wireless center (wala kasi sa glorietta at parang nalalayuan kami sa megamall hehehe) at pangalawa, ang subukan ang jatujak.
sandali lang naman yung processing ng application ko, since nakahanda na lahat ng requirements at parati naman akong nakangiti, wala pang sampung minuto tapos na kami, sabi nung girl, tatawagan na lang daw ako tungkol sa status nito. ah okey. ganun naman pala, sana lang ma-approve hehehe.
paglabas namin ng swc, ang harapin na ang aking goal sa buhay ang pinag-aksayahan namin ng panahon, hinanap na namin ang jatujak. sa may entertainment plaza daw yun. sige, lakad, lakad, naman! nasa kabilang wing pala kami! lakad pa hanggang narating namin ang open air plaza.
saan dito?? hala, excited na ang lolo nyo, parang isang batang sabik na sabik sa jollibee. AYUN!!!! nasa left side pala sya kapag nakaharap sa plaza/dagat, buti na lang nasa second floor na kami. yes!
sinilip muna namin ang menu (baka kasi mahal eh kuripot ako hehe), hmm, ayos naman, comparable sa Som's (sorry ha, di ko nagawan ng entry to) ang presyo at parang walang tao sa loob (maaga pa kasi, 5:30 pa lang). me lumapit sa aming mama na mas maputi sa akin at sabi "ser, mam, welcome to jatujak". uy, naka-tsinelas lang ang mga waiter hahaha.
antagal ko tong hinintay, tara!!
Jatujak (cha-tu-chak) refers to the world's biggest weekend market in Thailand
habang hinihintay ang food (anong gagawin mo kapag me kalbo sa likuran mo? reflection ko po yun)tom yum soup all shrimps, medium (P172) at apat na pirasong hipon, good for 4, not your usual kind of tom yum soup, parang tom yum na sinigang but still good.
bagoong rice (P110) good for 2-3 persons, with pork bits
veggies springroll (nalimutan ko ang presyo), 5 pieces, big as in biiiig serving (medyo mamantika lang)
chicken pandan, 5 pieces, and double the size of your regular chicken pandan, yummy!
habang hinihintay ang food (anong gagawin mo kapag me kalbo sa likuran mo? reflection ko po yun)tom yum soup all shrimps, medium (P172) at apat na pirasong hipon, good for 4, not your usual kind of tom yum soup, parang tom yum na sinigang but still good.
bagoong rice (P110) good for 2-3 persons, with pork bits
veggies springroll (nalimutan ko ang presyo), 5 pieces, big as in biiiig serving (medyo mamantika lang)
chicken pandan, 5 pieces, and double the size of your regular chicken pandan, yummy!
burp!
medyo nagsisi kami kung bakit andami naming inorder, hindi namin naubos (at least me take out), dalawa lang kami pero yung isinerve sa amin ay good for four-five persons, nasanay kasi kami na hindi ganito kalaki ang serving. pero masarap sya, sa uulitin? pwede!
me iced tea pa pala (P40 for glass, P55 for bottomless). take note, malaki yung glass ha. taaalll glass of iced tea yan, tapos ako nagbottom less pa hahaha.
damage: P754.00 (kasama na ang P33.00 na Service charge, at P87.00 na VAT)
matapos naming kumain, umikot muna kami, ayun, naka-iskor pa ko ng U2, ang paborito kong brand ng tshirt, naka-50% off!
habang umiikot kami, naisip ko ang Kopi Roti. isa pa tong matagal nang pinagbalakan ng grupo pero di matuloy-tuloy (ang tawag namin kopihan), at since di namin alam kung saan ito, patuloy kaming nag-ikot (pag-iikot at paghahanap can be used interchangeably hehe).
at presto, sabi sa kodigo ni manong guard, nandun sya kabilang wing, sa tapat ng teriyaki boy. at eto ang kopi roti:
kopi is a traditionally brewed coffee with condensed milk as the sweetener, meron silang anim na coffee combo meal pero yung set ng Kopi at kopi bun, at kopi at Kaya toast ang aming kinuha, na parehong P75.00!! not bad ha, kesa naman mag-starbucks kami na P110.00 kape pa lang yun na na nilagyan ng pampataas ng cholesterol!
yun nga lang electric fan-powered ang aircon! kanpai!
ansarap kumain at magkape!
san kaya ang sunod?
10 comments:
Hmmm... masubukan nga yang Jatujak sa birthday ko. Tamang tama, umpisa na ng klase ni bunso, sasamahan ko muna siya ng ilang araw sa dorm niya.
Teka, naalala ko - minsan, nag-iwan ako ng comment dito at sinabi kong "in fairness, ha, guwapo ka pala." At sinabi mong - "For that guwapo comment, ililibre kita ng kape!" hehehe.
uhhmmm maiba lang ako..bakit mas maganda ngayon si mama lyn? hindi mo na kinukunsumi? nagbago ka na? wahahahaha loko lang!
so in short, kung dalawang bunganga lang ang kakain minus take out, mas mababa pa sa php750 ang magiging damage? hehehe la lang, kasi gusto ko shang puntahan hehe
your gf looks gorgeous, parang mestiza siya. and guwapo ka rin, konti nga lang ang buhok..hehehe.
ahh, i love thai food especially their soup with bean sprouts, and fresh basil leaves. and the prices are reasonable. php750 for two people, cheap! i hope you take the leftover home.
i think krua thai lang ang meron sa amin dito. hehe. ang cute naman ng logo nila.. little elephant. ahihihi. parang cartoon. im sure masarap dun.
grabe din pala food trip mo ano? hehe :P
syet! ang sarraap! haha! food trip kayo ha! inggit naman ako, parang biglang gusto kong kumain ng chicken pandan at bagoong rice. di nawawala sa order namin yan pag sa thai resto. *lasap lasap*
kaya ba kopi roti kse may roti prata din dun? have u tried that na? if not, something to try..masarap din yun! :)
rhodora, uy pwede ang kopi roti sa guwapo comment na yan hehehe. :)
vernaloo, mabait naman ah, ako nga itong nakakalbo eh hehehee.
oo, pero malaki talaga yung serving nya, pang-4 na tao. me rice toppings din sila pero cempre di namin yun pinansin hehe
belle, she is gorgeous and she is mestiza, i am not so sure about the guwapo comment though hehehe
mura sya, at sabi ko nga, the food that we ordered is good for 4, and yes, me take out kami. :)
tina, ah, san ba matatagpuan ang krua thai na yan? we might be in davao kasi by first week of september so in a few days baka kulitin kita ng kulitin ng tungkol sa davao :)
ey, di ako sure kung meron pero the kopi roti trip is good and cheap, although the delifrance coffee bun is better, this one is more than worth your P75.00! :)
Post a Comment