august 17, 2007, kasalukuyang umaakyat pa-hilaga ang bagyong egay at kasabay din nito ang paghigop sa habagat na nagbigay ng tubig baha at matinding trapiko sa buong kamaynilaan. mga estudyante lang yata ang natuwa kasi halos isang linggo silang walang pasok. mali, pati pala yung mga pedicab at tricycle drivers na tumabo sa tambak na pasahero, idagdag pa dyan yung matatalinong nilalang sa kanto na gumawa ng sariling pampasaherong bangka na sampung piso ang isang sakay. pwede na, pampatawid gin din yan.
pero ngayon ko lang sila naisip, dahil nung mga panahong iyon busy ang utak ko sa pakikipagtalo sa rason kung tutuloy ba ako o hindi, kung didiretso ba o kung ano, saan ba kamo? sa pag-akyat ng bundok habang bumabagyo, umuulan, at bumabaha, at isang night trek pa ang napagdesisyunan.
lintek, kung nalalaman lang ng nanay at tatay ko ang mga ginagawa ko, naku, walang katapusang sabon ito, at kung bata pa ko, makakatikim pa ko ng palo kung magpupumilit ako.
pero likas din talagang matigas ang ulo ko, isa nga yata akong pasaway, challenge daw ito, minsan lang naman, kaya hala sige, larga ako sa 1st training climb namin sa mt. batulao (na di ko pa rin sure kung nasa batangas o nasa cavite).
alas singko ng hapon, masyado akong maaga para sa alas-otsong pagsakay ng bus sa pasay, nag-ikot ikot muna ako, pumasyal sa mga ukay-ukay sa baclaran, tumingin-tingin, humipo-hipo kunyari interesado, mga isang oras rin siguro akong gumagala hanggang magreklamo na ang tiyan ko at sya naman daw ang asikasuhin ko.
pasado alas sais, habang kumakain ako sa chowking, nagtext na yung isa kong kagrupo, andito na rin daw sya, ayos! di lang pala ako ang tutuloy hehehe. habang kumakain kami at kung ano-ano ang napag-usapan, isa-isa na rin nagdatingan ang iba pang mga pasaway, hanggang mabuo na kami, ang labing-isang naghahanap ng sakit ng katawan.
alas otso y medya, pumila na kami sa hanay ng mga taong akala mo naghihintay na makataya sa P100 milyong jackpot sa lotto, ang haba na nito! dahan-dahan at unti-unti itong nababawasan hanggang dumating ang alas nwebe, nakapwesto na kami sa bandang likuran ng bus, excited. dahil sa mga dala naming bag, parang napuno lalo yung bus.
alas diyes, lampas na kami ng tollgate sa coastal road papasok na ng bacoor, expected na ang traffic dahil bukod sa biyernes eh halos di tumigil ang ulan maghapon. gumagalaw naman yung bus yun nga lang parang processing ng papel sa gobyerno, andaming tigil!!!
alas diyes y medya, di na gumagalaw ang bus. nagkukwentuhan pa rin sila sa likod, ako natulog muna.
alas onse, nagising ako mula sa pagkakaidlip, di na sila nagkukwentuhan pero nandun pa rin kami sa saktong lugar isang oras ang nakaraan.
at dumaan pa ang isang oras, lumalakas pa lalo ang ulan ("antaas na raw ng tubig sa bacoor" sabi ng kundoktor)...
ala-una na ng madaling-araw, mga sampung metro na ang aming iginalaw habang kinakalampag ng hangin at hinahampas ng ulan ang bintana ng bus. sa labas, kitang-kita ang taas ng tubig ("naku ang ref ko" sabi nung ale sa bandang unahan, palagay ko taga-bacoor sya pero bakit di pa sya bumaba?? naman.)
ramdam na ang pinaghalong inip, antok, gutom at init ng ulo ng mga pasahero pati na rin yung ibang nasa labas, halos mag-away na yung driver namin at yung isa pang driver ng kasalubong na bus (na ewan ko bakit sila magkakabanggaan eh halos di na nga gumagalaw). nakaramdam ako ng inis, ansarap sana ng tulog ko ngayon sa kama at hindi ganitong naghihintay kung alin ang mauuna, ang pagtigil ba ng ulan o ang mag-umbagan ang mga driver?
alas dos ng umaga ng makalampas kami ng bacoor, isang solidong apat na oras na traffic na dapat sana ay 15 minuto na takbuhin lang. antaas naman pala talaga ng tubig, me mga sand bag na nga na nakaharang sa mga entrance ng SM Bacoor.
isang bahagi ng utak ko ang nagsasabing bumaba na ako ng Imus at dumiretso na pauwi pero nakalampas na kami ng imus at nakarating na ng dasmariƱas, di pa rin natalo ng munting boses na yun ang tigas ng ulo ko.
alas kwatro ng madaling araw, nasa tagaytay na kami, sa entrance ng Evercrest, naghahanda sa paglalakad. medyo tumila ang ulan pero tumatagos ang lamig sa kalamnan. nagjacket na ako, nag-kapote at nagdadalawang isip pa kung papalitan ko ng sandals ang training shoes ko (training shoes ha, nde trekking shoes) pero bago ako makapag-desisyon, nagpa-push na ang grupo at hinayaan ko na lang na ito ang suot ko.
bago kami tuluyang maglakad, tumigil muna kami sandali para magdasal.
saktong paglakad namin, eto na naman ang ulan at lalo pang nagparamdam ang hangin na sinabayan pa ng sipol!
ramdam ko ang bawat patak ng ulan na tumatama sa suot kong kapote, at ramdam ko rin ang dahan-dahang pagpasok ng tubig sa mga sapatos ko.
lintek, mapapasma ako nito!
parang nanghahamon ang gabi/umaga, habang lumalakad kami sa sementadong parte ng evercrest, lalong lumalakas ang ulan at sumasabay pa sa amin ang daloy ng tubig, naglalakad na kami sa tubig baha! mapapasma nga ako nito!
andilim ng paligid pero malinaw ang pagpasok sa isip ko ng katanungan kung bakit ko ba ginagawa ito! bakit ba ako nagpapakabasa, isa ba itong pagpapakamartir? isa ba itong pagpapakabayani?
pero sige pa rin ang lakad ko, at sa bawat hakbang ay nakakaramdam ako ng konting bigat at konting takot sa kung anong pwedeng mangyari, madilim ngayon, malakas ang ulan, anlakas din ng hangin, maputik, madulas at me mga bangin kaming madadaan.
hindi ko namamalayan ang unti-unting pagpapalit ang kulay ng paligid, maaaninag na pala ang anino ng mga puno, ng mga bahay at paminsan-minsan ay may mga manok na nag-iinat at tumitilaok. mag-uumaga na pala at ang dating iniingatan kong puting sapatos ay nababalutan na ngayon ng putik. hmp!
nag-aagaw na ang dilim at liwanag, panandalian kaming tumigil sa isang pahingahan at ang lahat ng iniisip kong negatibo ay tila naglaho nang mapagtuonan ko ng pansin ang nasa harapan namin:
hindi pa kami lubusang nakakaangat pero napa-wow na ako sa nakikita ko, pano pa kaya kung nasa itaas na kami?
itutuloy...
19 comments:
WOW talaga Zherwin! Was that taken at dusk? Ang ganda talaga!
Nung binabasa ko yung first paragraph akala ko weather report, hehe. :-D
Ang hirap naman ng pinag daanan mo para lang sa bundok. Abangan ang susunod na kabanata! :-D
grabe siguro kung ako nasa kalagayan mo (sa bus), itinuloy ko rin kasi matigas din ulo ko hehehe. anyway ang masasabi ko lang ay ang lakas ng loob ninyo! =) inaabangan na ang susunod na kabanata. :D
had your parents known about it, they would not have let you go. ayan, tuloy napasabak kayo. i couldn't imagine being in the bus for that length of time. what if you needed to go to the bathroom? meron bang bathroom ang bus? okay lang sa mga lalaki, puwede umihi behind the bushes, eh paano ang mga babae?
ang ganda naman ng kuha mo. parang malamig ang feeling.
4 hours in traffic?? grabe naman... for a climb.. hehe pero ganyan talaga pag gusto mo ano? umulan bumagyo gagawin parin..
zherwin, nabasa ko questions mo about mt manalmon. Madali lang yung trek talaga. Pramis. After namin nag 2hours spelunking, mga 10 minutes lang pahinga namin tapos trek na sa peak! Mga 3 kami natapos sa spelunking, tapos bago magsunset nasa peak na kami ng Mt. Manalmon. No problem for beginners. Pero dapat ingat lagi op cors. Hindi rin naman kami serious mountain climbers, if you'll notice sa photos hindi kami physically fit lahat. So I'm sure beginners will love the place.
As for the spelunking, I advise strong caution lalo na sa mga may history ng clumsiness. Kay may mga area na bangin ang katabi mo! Yung mga obese like me, baka magkaroon ng konting challenge sa pag-squirm through narrow passageways. Medyo masikip ang daraanan so caution rin sa claustrophobic.
Overall this trip is really worth it. Dalawang batch kami. The first batch went on cars. Nagpark kami sa may ilog, pinabantay namin dun sa may ari ng store na malapit sa parking area. Walang problem naman. Nag-commute ang batch 2. They arrived on time also. Nakakangawit raw yung sa tricycle but other than that, it was ok. There's a 7 km dirt road, passable naman.
ayus! nag enjoy ako sa pagbasa ng post mo! galing mo pala magsulat! :D
exciting ako sa kasunod...
Para akong nagbabasa ng Balarila sa High school ah. =)
Okay-ing okay ang pagkakasulat ni Ginoong Zherwin.
I hope nagdala ka ng maraming 'snak' ha? Parang ako ang nagugutom sa kwento mo.
Aabangan ko ang kasunod.
bugsybee, it was taken at around 5 in the morning. :)
intsik, patay tayo jan! hehehe. magandang lalaki at matipuno, sigurado syang ako yun? hehehe kasi ang alam ko cute lang ako eh nyahahaha. seriously, ang alam kong taga-cebu ay si [2]rokbot[toy] aka marvin, sya ata yung founder ng flickr cebu group :)
sngl, lol at weather report! sa totoo lang, mas matindi yung traffic kesa sa actual climb. :)
carlotta, nasimulan na rin lang kaya ituloy na. yung ibang di sumama, nagsisi! hehehe
belle, knowing my parents, especially my mom, they will not let me, but they also know the things that i can do, paalaala lang lagi na mag-ingat. :)
tina, it was also the first time i experience such, the next worst traffic situation i got myself into was a two hour christmas traffic for a 200 meter stretch. hay.
sabi nga, kapag ayaw may dahilan, kapag gusto may paraan. :)
watson, thank you, thank you. i just received an email from Habagat-Pitman group, meron silang invitational sa mt. manalmol sa oct 13, kapag libre ang sked baka dito ko na lang isalpak yung grupo (isalpak talaga hehehe).
salamat ulit ha. :)
salamat gina, iniisip ko nga kung pano ko isusulat yung kasunod nang di sya ganun kahaba hehehe. :)
lino, ikaw naman, tsamba lang yan hehehe. salamat. :)
Nakakatuwa ang iyong salaysay zherwin. Pati ba naman yung pagpapanggap mong mag-shopping sa Baclaran, kasama... hehe! :)
Ang ganda naman sa Batulao... parang madaming engkanto... hehe. :)
toe, merong engkanto dun di lang sila nagparamdam kasi bumagyo hehehe
Post a Comment