Tuesday, March 04, 2008

kwentong madugo

hindi ito tungkol sa limatik pero warning na rin, wag basahin kung takot sa dugo.

noong huwebes, nalimutan kong ilabas mula sa freezer yung burger patties na lulutuin ko kaya pagdating ko sa bahay kinagabihan, matigas yung patties. palalambutin ko muna sana para madaling mahiwalay pero naisip kong matatagalan pa yun kaya sundot-sundotin na lang ng kutsilyo para mabilis...

unang patty, tagumpay, naihiwalay ko mula sa limang magkapatong...

ikalawang patty, okey din.

ikatlo, uhm, medyo matigas kasi gitna ito. medyo nilakasan ko ng konti yung sundot, nilagyan ng diin yung kutsilyo at KATSAK!!!!

lumampas sa patties yung kutsilyo, diretso sa palad ko! arrggh!

kung anong bilis ng pagkatusok ng kutsilyo sa palad ko ay sya ring bilis ng pagbunot ko at kasunod nito'y bumulwak ang dugo sa palad ko. shit! nilagyan ko agad ng towel para matigil yung pagdugo. kabado pero pasok agad ako sa kwarto para kunin ang first aid kit ko. medyo napatigil ko yung dugo sa palad ko pero bakit meron pa ring tumutulo sa sahig?

leche! lumampas pala yung kutsilyo hanggang sa pagitan ng hintuturo at middle finger ko!

di ko na ito kakayanin, kelangan ko nang pumunta sa hospital, hanap ng shorts na pang-ibabaw sa boxer shorts (ayaw ko namang sumugod sa emergency na parang hubo hehehe), nakasando at suot ay kulay dilaw na feathery slippers (natatawa ako pag naaalala ko) ay tumawag ako ng tricycle at nagpahatid sa hospital.

mga sampung minuto yata akong dinudugo bago makarating ng hospital dahil naabutan ko ang buntot ng traffic papuntang highway. (kabado yung kapitbahay kong driver sa akin: kuya, okey ka lang? ako: malayo to sa bituka, okey lang)

eksena sa emergency room:

guard: anong nangyari dyan? (sabay bukas ng pinto)
ako: aksidenteng natusok ng kutsilyo.

pagpasok ko ng ER (sosyal hehe)
unang nurse: anong nangyari dyan?
ako: aksidenteng natusok ng kutsilyo
UN: hugasan mo muna sir (at sinamahan ako sa lababo)

at habang hinuhugasan ko ang mga sugat ko, ang hapdi ng tubig ha! dumugo na naman!!!!

MGA NURSE: anong nangyari dyan?
ako: aksidenteng natusok ng kutsilyo.

Unang doktor: anong nangyari dyan?
ako: aksidenteng natusok ng kutsilyo.
UD: panong aksidente? nakipag-away ka?
ako: no (talagang ingles ha, at ikinuwento ko ang mga pangyayari).

at paulit-ulit na same question, same answer, same story ang nangyari habang nililinis ang mga sugat ko, binigyan ng first shot ng anti-tetanus, kinuha bp ko, body temperature, weight (kelangan talaga? nalaman ko tuloy bumibigat na naman ako!) at tinest kung me allergy ako sa anesthesia.

dumating na yung doktor na magtatahi ng sugat ko, at...

Dok: anong nangyari dyan? (wahahahaha)
ako: (wahahahaha)

ayun, matagumpay naman ang pagtatahi, parang pamingwit ng isda yung ginamit, merong hook! me ginupit pa syang konting laman at diniinan pa yung sugat para mabawasan yung pagdurugo (buti na lang me anesthesia, kundi baka me umaatungal sa sakit dun).

four stitches sa palad at three sa likod. tagos!

medyo gumagaling na sila, at nakakapag-type na rin yung left hand ko.
on the bright side, natuwa na ako sa sarili ko, di ako nagpanic. at alam ko kung anong gagawin at kung anong kukunin ko. nagawa ko pang magsarado ng bintana at mag-check ng mga lock ng pinto bago ako pumuntang hospital (yun nga lang, feathery slipper pa rin ang suot ko hehe), nakarating at nakaalis ako ng ER ng kalmante, nakipag-usap ng maayos, nakipagtawanan pa sa mga magagaling na nurse at doktor habang nililinis at tinatahi ang mga sugat ko.

pinoy nga ako, nagagawa ko pang tawanan ang sakit!

39 comments:

Anonymous said...

natawa ako sa feathery slippers... at yellow pa talaga huh... naalala ko tuloy yung yellow underwear, at tinanong naman ako ng ganito:
"yellow panty? ano yan, pino-promote mo ba si cory?"
wahahaha...
good read... good read...

Lantaw said...

wow a tapang a tao! hehe.

atticus said...

wwwaaaah! hindi ko kinayang basahin ito. aaaaahhhh! nanlalambot ako. *faints*

*hapi tots*hapi tots* lalalalalala.....

Toe said...

Oh no! Hindi ka na makakatugtog niyan ng biyolin!!!!! Ay teka lang... hindi ka naman yata talaga marunong tumugtog ng biyolin. :)

Ibig sabihin mo, kinuwento mo lahat ng mga burger patties na yon sa guard, sa lahat ng nars, at sa lahat ng doktor? :)

Ang masasabi ko lang... araaaaay! :)

Anonymous said...

Effective yung warning mo, napa scroll down ako to the end to find out if I can stand reading the supposedly 'bloody' story. At napapunta mo ako sa freezer to take out the chicken I'm cooking for dinner.

Hope your hand gets better real soon! Mahirap yata magtype with one hand :D

Sidney said...

Ouch! This looks painful!
I think someone else should do the cooking in the future!

Nick Ballesteros said...

Umm... hindi nakayanan ng powers ko ang kwento mo Zherwin... hanggang sa pagdescribe mo lang nung kung bakit tumutulo pa rin. Nakakapanghina yung story mo... binilisan ko mag scroll-down. Bwehehe. Sensya na, mahina talaga sikmura ko sa dugo.

At any rate, I would like to congratulate you kasi winner ka sa 100,000 hurrahs "contest" ko! My wife and I bought something at the Panagbenga last weekend for you. Hope you like it. Please send me the address you want it delivered to at watson.online@gmail.com. Pramis, hindi ito bolo. hehehe! Congrats again!

Anonymous said...

Aaahh! Muntik ko nang di kayanin basahin to! At tumagos pa! Ouch ouch ouch!

Next time, Zherwin, kung matigas ang karneng galing sa freezer, palambutin mo sa microwave oven. Mayroon namang settings ito for thawing, e. Kung wala kang micro, puwes, bumili, kaysa masaksak mo ang sarili mo. Haay, naku, kung ako yan, hinimatay na ako!

Anonymous said...

waaaaaaaaaaaaaaaaahhhh sakit nyannnn, anuyan habang tinatahi kamay mo tinititigan mo? ahhhh pag nangyari sa kin yan feeling ko mamamatay na ko...at tyak maiiwan kong bukas ang bahay o mas matindi baka mahimatay ako at dahil patuloy na tumutulo dugo ng kamay habang wala akong malay e baka mamatay na ko....ayaw ko nyan waaaaaaaaa!!!

bakit kasi tatanga tanga ka e lol!

jho said...

hahaha. Feathery slippers? Hindi ka nga nagpanic. Maganda yan. Meron akong kakilala na lalaki, malaki ang katawan pero hinihimatay pag nakakita na ng dugo.

carlotta1924 said...

haha dilaw na feathery slippers. cute hehehehe =)

mukhang ok lang sayo kahit muka ka nang sirang plaka kauulit sa pagkwento ng nangyari sayo ah :D

zherwin said...

zhey, buti na lang, walang nagsabi sa akin ng cory comment na ganyan hahaha.

the slippers' are now yellow with red polka dots :)

thanks for the visit.

zherwin said...

allan, a tusok a kamay, di atakbo, atusok a..., takbo atulin! :)

zherwin said...

atticus, pero binasa mo? waaaah.

inihahanda ko na nga ang sarili ko pagtatanggal ng tahi weeee.

zherwin said...

toe, ano yung biyolin? hahaha.

hindi lang sa mga nars at sa mga doktor, pati sa lahat ng tao na nakakapansin ng benda sa kamay ko! okey lang naman at least pati sila kinikilabutan kapag kinikwento ko bwahahaha. :)

Gina said...

Ngiiiiiiiiiii..

Sana okay na okay ka na.

Do be extra careful next time.

zherwin said...

ia, ngayon nga, first thing in the morning, inilalabas ko na ang kelangang i-thaw hehe.

thanks, i am doing okay. :)

zherwin said...

sidney, it was painful but the sudden rush of adrenalin made me forget it for a while.

about the cooking, for now, i have no choice but to cook for myself, even with only the right hand fully functioning huhuhu.

zherwin said...

watson, na-curious ka rin no? wehehehe.

wowowow! nanalo ako? di nga? wehehehehe! *excited excited* sige, email ko sa yo office address ko. Okey lang naman ang bolo, basta wag lang kutsilyo o burger patties. hehehe.

thank you, thank you. :)

zherwin said...

rhodora, medyo naging careless nga ako, pero wala na akong magagawa nangyari na eh. kaya ngayon, first thing in the morning, tanggal na sa freezer ang lulutuin sa gabi. :)

zherwin said...

manilenya, di naman masyadong tatanga-tanga, konti lang. lol.

naku, wala akong karapatang mahimatay, nag-iisa ako sa bahay, ampangit namang duguan ako (at naka-boxer lang) na matatagpuan ng mga kapit-bahay hahaha.

zherwin said...

jho, hehehe, me ganun talaga, baka sobra yung phobia nila sa dugo. me kakilala akong nurse takot sa dugo, ansama no? hehehe

zherwin said...

carlotta, narealize ko lang na yun ang suot ko nung nililinis na yung hita ko na napatakan ng dugo, kasi pati yung tsinelas me dugo rin!

iniisip ko na lang na katatawanan ang nangyari sa akin kahit me pagkaseryoso yung aksidente (seryoso? hehehe).

zherwin said...

gina, salamat. okay na ako, although di pa okay na okay hehe.

vernaloo said...

atapang atao da Zherwin! hehe cguro kung andun tatay or nanay mo pagagalitan ka pa nun (ikaw na nga nasaktan ikaw pa papaluin! hmmp! sorry medyo may angst pa ng konti eh hehehe)

Pagaling ka...himas at hipo lang katapat nyan....Lyn??? Lyn????

*wink*

Anonymous said...

hehehe uunga,, ang sagwa ng nakaboxer short ka lang kapag nahimatay ka, baka halayin ka...sobrang malas mo na nun biro mo natusok na nahalay pa lol!

zherwin said...

verns, ay sinabi mo, parang naririnig ko ang boses ng nanay ko..."eh bakit kasi blah-blah-blah..."

himas at hipo? hmmm. lol

si lyn ay takot sa dugo, at ni ayaw nyang makita at mahawakan ang left hand ko kahit me benda sya. lumalayo sya sa akin kapag inilalapit ko yung kamay ko hehehe.

zherwin said...

manilenya, hahaha. me magnanasa pa kayang humalay sa akin kung naghihingalo na ako? hahaha. kunsabagay, di natin sila masisisi bwahahaha.

kainis no? hehe

Abaniko said...

Sana man lang kinuhanan mo ng pic ang palad mo habang bumubulwak ang dugo para mas visual ang story-telling. Bitin!

Hehehehe.

Seriously, nakakatakot yung nagyari sa yo ah. Baka kung iba yun, nag-collapse na. Pero yung mga nurse na tanong ng tanong, kunwari lang yun. Actually, nagpapa-cute lang sa yo ang mga yun.

Yun na.

zherwin said...

abaniko, hindi ko na nagawa kasi dead yung battery ng camera ko tapos nagta-charge naman yung phone ko, sayang nga eh, gusto ko ngang kunan yung tinatahi yung sugat ko hehehe.

hmm, baka nakyutan sila sa tsinelas ko hehehe. :)

Anonymous said...

wala ka bang microwave sa bahay? because you can defrost the meat inside the microwave instead of using a sharp knife.

buti nga kamo, malapit lang ang hospital or mauubusan ka ng dugo. next time, try raising your hand above the heart to stop the bleeding.

but, i do admire you for maintaining your composure under such circumstances.

zherwin said...

i am not a big fan of the microwave kaya wala ako nyan, lagi ko namang inilalabas ang meat sa morning para ma-thaw, ewan ko ba naman noon at di ko napalambot.

that's what i did, itinaas ko yung kamay ko habang papuntang hospital, sa boy scout ko natutunan yan sa first aid. :)

at dapat din daw wag magpapanic kasi kapag nagpanic, bibilis ang tibok ng puso, maraming mapa-pump na dugo, maraming lalabas, kaya relax as much as you can. :)

Anonymous said...

uy ang lalim nga nyan. ok ka na sana ngayon.

i was expecting myself to feel squeamish, but i found myself laughing :D hindi naman sa hindi ako sympathetic sa iyo pero nakakatawa ka kasi. :D

Unknown said...

Grabeh, di pa mahal na araw nagpenitensiya ka na. Para ka na ring pinako sa krus niyan , hehe. :-D

Anyways, glad to know you're okay na. Pwede mong ipagyabang yan, sabihin mo may gustong sumaksak sa you at hinuli mo yung balisong ng kamay mo, hehe. :-D

zherwin said...

ladycess, hehehe. okey lang, yun naman talaga ang intensyon ko, gawing katatawanan yung experience kasi nakakatawa rin naman talaga in a gory way nga lang.

salamat, okey na yung kamay ko medyo mabagal pa rin at me pain pa rin kapag nababanat pero gagaling din to. :)

zherwin said...

rudy, action hero? igh. ini-imagine ko parang ansakit-sakit nun. :)

ysrael said...

Yan din ang dahilan kung bakit hindi ako nakapag-blog for almost a month kasi nasugatan ko naman ang finger halos maputol din ito. We had 8 scissors in the house but on that day wala akong makita, that is why I used a sharp knife to open a coffe mate foil and it goes directly to my finger. Masakit pero mas masakit ang magpagaling diba, kasi isang kamay lang ang gamit mo.
Ingat na lang tayo pareho sa susunod hane?

zherwin said...

ysrael, weeeeeeeee.

totoo, mas masakit ang magpagaling dahil sa totoo lang yung mismong pagtusok ay di nararamdaman kasi mabilisan eh, yung magpagaling ang madugo waaaa.

i hope you're okay na.

btw, welcome to the club hahaha.

anywhere_Smile said...
This comment has been removed by a blog administrator.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails