Wednesday, April 23, 2008

Sa Jeep...

Kapag ikaw ang huling pasaherong sasakay, doon ka parati sa dulong-dulo makakaupo, sa malapit sa driver (malas mo pa kung ito'y sunog-baga) at kinakailangan mo pang yumuko, makiraan, makaapak, mauntog, masiko at makasiko! excuse me po.

At kung sino yung nasa unahan ng pila, sila yung mauupo sa malapit sa pinto kahit na ang bababaan nila ay sa dulo pa ng mundo kaya kalimitan sila rin yung pakikiraanan mo, sila rin yung maaapakan, sila rin yung makakasiko sa iyo o di kaya naman ay masisiko mo. fair enough. :)

Kahit sa MRT at LRT, ganyan din, ang luwag-luwag sa gitna pero nagkukumpol-kumpol ang mga tao sa pinto na para bang lahat sila ay bababa sa susunod na istasyon.

Bakit kaya ganun ang naging sistema? Hindi ba mas maaayos ang mundo kapag kung sino yung nasa unahan ng pila ang syang mauupo sa dulo, sa malapit sa driver? At kung sino yung huling sasakay o di kaya ay malapit ang bababaan ang syang dapat na malapit sa pinto, para wala masyadong apakan at sikohan? Di ba?

Kung iisipin natin, para syang simpleng reflection ng buhay, doon tayo kung saan kumportable o mas madali para sa atin, na minsan nakakalimutan natin "ay, mas malayo/mas mahirap pala sa yo dyan." Minsan, sa jeep lumalabas yung pagiging makasarili natin.

O di kaya ang pagiging numero unong reklamador kagaya ko na nauntog kanina sa jeep! hmp.

17 comments:

Toe said...

Ganyan din sa simbahan diba? Lahat umuupo sa likod. Kaya pag-late ka... obvious kc kelangan ka pumunta don sa harap na harap. :)

Sa school naman, yung mga sipsip yung mga nasa harap at yung mga maiingay yung mga nasa likod. :)

Sa jeep, gusto ko din sa likod... kc mas mahihinga ko yung polusyon sa labas. Pag sa loob kc... yung anghit ng mga katabi mo yung maamoy mo. :)

atticus said...

sa likod ng driver ako umuupo. para safe sa lahat. kasi baka iyong holdaper ang nasa likod ng driver. mas makakaisip ang driver ng paraan kapag malayo siya sa peligro.

sana lang pareho kami ng iniisip ng mga tumatabi sa mamang driver. sana hindi iyong holdaper ang nasa tabi niya. :)

zherwin said...

toe, kahit sa sinehan di ba? yung late nasa unahan hehe.

sa jeep, tatlo lang ang maaaring maamoy: usok (ng tambutso at sigarilyo), pabango at anghit hahaha.

zherwin said...

atticus, ako hangga't maaari sa harapan, kapag sa loob kasi, lalo na kapag huli akong sumakay, laging kalahati lang ng pwet ko ang nakaupo.

jho said...

ganyan talaga siguro. malas mo ma pag ang nakatabi mo ay may kakaibang amoy.

meron din na pasahero na feeling na sa kanila ang jeep. na hindi man lamang umusog. at minsan pa-side pa umupo. yung ibang "healthy" pasahero, walang pakialam kung wala nang maupuan yung iba. Diba dapat lang na 2 ang bayaran nila kasi yun ang sakop nang kanilang nauupuan? Opinion lang.

Panaderos said...

Ganyan yata talaga ang marami sa atin. Tila ang nagiging pilosopiya eh "It's me over everyone else." Kailangan naman eh kaunting konsiderasyon.

Anonymous said...

i agree with toe, depende talaga sa sitwasyon. but bottomline, tama ka, may pagka-me first mentality ang karamihan sa atin.

carlotta1924 said...

sooooooo true! i get the same sentiments you have. and to think that's just from taking the jeepney. naalala ko lang bigla, sa mga terminal ng jeep nagpapasakay pa rin ang mga barkers kahit obvious na hindi na kasya.

zherwin said...

jho, pagdating sa mga kapatid nating plus size, medyo me awa factor naman ako maliban na lang siguro kung me kaangasang taglay, ibang usapan yun.

zherwin said...

panaderos, exactly. pero yung iba, dedma lang, titigan ka pa na parang "hello? nauna ako, magtiis ka."

zherwin said...

lady cess, human nature na rin siguro talaga yun.

zherwin said...

carlotta, naku isa pa ang mga ganyan! kasya raw ang sampu, eh walo pang magkakapalitan na ng mukha! minsan gusto kong sumagot sa barker at driver kung gano ba kalalaki ang sinasabi nilang sampu?! amp.

Unknown said...

Malas din pag nasa likod ka ng driver kasi ikaw ang nagiging taga-pasa ng mga bayad at sukli, hehe.

Speaking of those stupid barkers, minsan may minura na akong isa na papasok pa ng papasok eh obvious na siksikan na. "dalawa pa sa magkabila" sabi niya. "P**ina ka!" sabi ko. "Kita mong nagsisiksikan na kami!" Ayun... tumigil din.

Ang war-freak ko noh? :-D

Abaniko said...

Ang problema sa jeep, pag nandoon ka sa unahan malapit sa drayber, ikaw ang taga-abot ng mga bayad. Ayoko nga. Kaya sa medyo dulo ako umuupo, doon sa side na walang araw.

zherwin said...

rudy, ay ayaw ko rin ng ganyang taga-abot ng bayad/sukli, di ko pinapansin minsan hahaha.

kailangan kasing gugulatin din ang barker na yan eh

zherwin said...

abaniko, pano kung wala nang choice? hahaha.

ang nakakainis pa kung ikaw yung mag-aabot ng bayad/sukli ay kapag nahulog o nabitawan yung barya hahaha.

Anonymous said...

Pareng sherwin si Langgam 'to,
pano kung ayaw ng umalis sa upuan? ...

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails