Tuesday, December 08, 2009

first

alas-singko pa lang ng umaga, dumadagundong na ang pakiramdam ko. dumaan ang alas-sais, ang almusal, hindi pa rin nagbabago. madilim sa kwarto ko at di makakapasok ang araw, pero parang nagliliwanag ang lahat kapag napapatingin ako sa salamin at naiisip kung bakit ako nandito.

masarap ang almusal, mainit at solb sa kwentuhan, relaks-relaks daw dapat at wag magpapanic pero sa bawat sulyap sa relos at nakikita ko ang pag-ikot ng bawat segundo, hindi siguro ako masisisi ng kahit sino kung me nagka-karera sa loob ng dibdib ko.

alas-syete.
alas-otso.
alas-nuwebe.

buti hindi nagrereklamo ang telepono ko sa maya't mayang tawag at text, buti hindi pa nagtatampo ang wallet ko sa maya't mayang pagdukot, pagbukas at pagtatago ulit.

alas-nuwebe y medya. kailangan ko nang maligo bago ko pa malimutang gawin ito, nakakahiya naman kung haharap akong di nalapatan ng shampoo at sabon ang katawan.

masarap ang tubig, mainit at solb na sabayan ng kanta... pero napunit ang pagkanta ng malalakas na katok sa pinto. nagulat syempre ako, at nakatapis ng tuwalya, tinakbo ko ang pinto, naramdaman ng balat ko ang lamig ng aircon at bumakat ang basa kong mga paa sa carpet, pagbukas ko ng pinto, sari-saring ingay ang bumalaga sa akin: "bakit ang tagal mo?" "ano bang ginagawa mo?" "kanina pa kami dito" "di mo sinasagot ang cellphone" "kinabahan tuloy kami" at kung ano-ano pa. naliligo po ako. pumasok at tumahimik na sila.

dumating na ang pamilya ko, isang batalyon! kasama ng mga kuwentuhan nila ang pagpasok ng maraming kaldero, mga pagkain (dito tayo magtatanghalian) at mga abubot pa. bumalik ako sa banyo at muli ring bumalik ang ingay, sila yata yung nate-tense hehe.

alas-diyes.
alas-onse. kailangang kumain ng maaga at baka makalimutan ko pa itong gawin.

alas-dose. buti hindi pa nagrereklamo ang kuwarto ko sa samu't saring ingay sa loob, buti kaya pa ng aircon ang dami ng tao, buti nakakapag-relaks ako sa gitna ng kaabalahan ng mga tao.

ala-una.
alas-dos. kailangan kong lumabas ng kwarto, kailangan kong maging presentable. at nakita ko sya, parang me kakaibang liwanag ang kanyang mukha, parang me mapang-aliping hatak ang kanyang ngiti. dun pa lang gusto ko nang mag-"I do..."
si lyn, napakaganda sa kanyang simpleng ayos, napakagaling ni Princess Misa na nag-make up sa kanya, lutang na lutang ang ganda nya at kumikinang ang kanyang mga mata. nahimasmasan lang ako ng me tumapik sa balikat ko, wag ko raw masyadong titigan at baka matunaw, mamaya pa ang kasal. :)

alas-dos y medya.
alas-tres. naramdaman ko ang init ng mga ilaw, me naramdaman akong ilang sa pagbibihis sa harap ng kamera pero awtomatiko ang paglabas ng ngiti at kalauna'y nasanay na rin ako. napigil ko pa ang luha ko nung kami ni mommy ang kuhanan ng litrato, pero sya naluha na, naalala namin si daddy.

alas-tres y medya. andaming tao sa Paco Park, lahat nakangiti, lahat bumabati, lahat kakilala ko.

alas-kwatro. marahil hindi lang dagundong ang nararamdaman ko, marahil hindi lang karera ang meron sa loob ng dibdib ko pero mas higit ang saya na bumabalot sa katawan ko, sa isip ko, sa dibdib ko.
hindi ko na nabilang kung ilang hakbang ang patungong altar, hindi ko na maisa-isa ang mga nadaanan kong nakangiti, hindi ko na rin nalaman kung gano kabilis o kabagal ang bawat ikot ng mga segundo dahil tumigil ang mundo ng makita ko si lyn na nakatayo na sa may pinto, sumisigaw ang ligaya na di kayang takpan ng kanyang puting belo.

sa pagyakap ko sa aking ina, di na nagpapigil ang mga luha.

sa paghalik ko sa mga kamay nina nanay at tatay, naging emosyonal ang paligid.

sa paghawak ko sa kamay ni lyn, doon na nagsimula ang aming pagiging isa.

December 8, 2009: first year anniversary namin. napakaraming dapat ipagpasalamat, at napakaraming dapat pasalamatan: ang Diyos, ang aming mga pamilya, ang aming mga kaibigan.

Maraming salamat at samahan nyo kami sa marami pang mga taong magkahawak ang kamay.

Thursday, November 19, 2009

Patience

it's really a virtue, and it took me a lot of those to wait and take this shot.


Focal length: 142 mm
Exposure: 1/400
Aperture: f/8
ISO: 200
Manual Focus, Flash not used
Cropped, Contrast adjusted using Picasa 3

Thursday, October 22, 2009

Da Istudyo shoot

huli man daw at magaling, huli pa rin. (pasensya na po...)

eto yung first studio shoot ko, syempre namangha na naman ako tulad nung first time. syempre kinabahan na naman ako, syempre pinagpawisan na naman ang lolo nyo.

isa sa mga tip na nakuha namin para maghanda sa mga ganitong shoot ay magbasa/tumingin sa mga fashion magazine, at kung me nakitang gustong posing ng model, aba ay kopyahin at ilagay sa kodigo. namemorize ko yata yung mga posing na gusto ko pero nalimutan ko rin, memory gap! me ilan sa amin me dalang magazine, me dalang picture, at me kodigo talaga. ako? nakitingin-tingin, nakiusyoso, nataranta hehehe.

ewan ko kung ano ang nangyari pero nung ako na ang nakasalang, parang me sapi yata ako at nakapag-isip ng ilang posing, mga simple lang pero nagustuhan ko ang kinalabasan!!!


sya si Jem, ang model na natapat sa akin, sya talaga yung tinatarget kong pikturan dahil bukod sa kakatapos lang nyang lagyan ng make-up, napakaamo ng mukha nya, at ang ganda pa ng bone structures (me bone structures pa akong nalalaman hehe). for a face like that, parang gusto ko ng medyo edgy, so nosebleed na naman!
buti na lang, napaupo ako at naisip ko ito:
ay, putol ang bumbunan at siko! take two:

ayos?


eto, group shot ng apat na model (tapos na yung grupo namin dito pero nakisingit pa rin ako hehe):

Models: Jem, Kim, Hannah and Jon

Location: Imagesmith Studios

Make-up artist: Charlie Rivera

Stylist: Archie

gusto ko pang umulit! me magpapa-picture sa inyo? libre! :)

Wednesday, September 16, 2009

Basic lighting

I am yet to get a basic photography course or be enrolled in one, pero ako itong malakas ang loob dumiretso agad sa basic lighting na kung tutuusin ay isang advance course. Hindi naman ito sa isang photography school kundi initiative ng aming grupo sa Flickr, ang Flickristasindios. Hindi rin isang professor ang resource person namin, pero si Ten Paras ay master na sa pagtitimpla ng ilaw.

Pinasadahan nya ang basic terminilogies sa lighting (primary light, fill-in light, etc.) tapos nilatag naman ang practical applications ng mga ito base na rin sa mga experience nya. Of course, he still encouraged us to enroll in a photography lighting course as what he had shared with us in 2-3 hours normally take about 2-3 days of discussion. Ayos, hindi naman kami nagmamadali nyan hehehe.

Seriously, para malaman kung me natutunan ba kami syempre kailangan me application, kailangan me shoot using a one-light set-up, tapos two-lights, tapos studio shoot TAPOS ME MODEL!!! ako kinabahan dun sa huli kasi mahiyain ako di ba, pano ko kakausapin yung model? ahihihihi.

When it was already my turn to shoot, despite the intimidation and nervousness factor, i get to instruct Christine and Kaya (oo, dalawa pa yung model!!!!!!) on what I want them to do and it also helps that they are very professional and won't hesitate to do a pose that we told them to do. Tawanan nga kami kasi pagkatapos ng lighting kailangan naman namin ng seminar on how to deal with models and how to be a supermodel (kailangan naming i-pose kapag malabo sa model).

Tingnan nyo na lang kung papasa na ba sa panlasa nyo ang ilang kuha ko, one-light set up lang ang ginamit ko sa mga yan.

Halata bang hindi ako nakapagpa-pose ng marami? hehehe

Next: Model shoot in a professional studio with complete lighting accessories (nag-overheat ang brain ko kakaisip ng poses sa mga model hehe)

Thursday, September 10, 2009

Sharing

or if one lurks on the dark side, it can also be titled as "grabbing"

how do you see it?

Wednesday, September 02, 2009

Bulaklak

Siyempre, dapat merong bulaklak kasi me dahon na sa ibaba. ahihihi.




seriously, ilan lang ang mga ito sa pinagpa-praktisan ko, kaliit-liit ng bakuran ng bahay pero andami namang pwedeng i-shoot or at least, enough na para maging kumportable ako sa focusing (half-press and full press).

ang ganda ng bokeh no? o yung blurred-blurred sa likuran/paligid ng subject.

hindi macro lens ang ginamit ko dyan (wala pa ako nun) kundi 40-150mm telephoto lens, pumuwesto lang ako sa pinakamalapit na distansya kung saan clear pa yung subject tapos cropping na lang para makuha ko yung gusto kong composition.

astig!!!

andami ko pang dapat malaman kay pareng zeus pero ang manual nya parang math book!!! kaya maraming-maraming good luck sa akin (uy, ayos naman sya to be fair).

Tuesday, August 25, 2009

Dahon

meron akong kwento tungkol sa dahon... ay wag na lang, masyado syang GREEN!

nye!

nagpa-practice lang ng pag-focus... di pa masyadong trigger happy pero i'm happy :)

Thursday, August 13, 2009

Monday, July 20, 2009

I can smell Christmas...

The aroma, the taste, the sweetness...along with that red washington apple and the crispy and shinning gift wrapper, this is how i remember Christmas when i was still a child...

My wife went home with this little box one time, she told me her boss gave it to her as pasalubong from the US, she find them too sweet and me crazy when she handed the box to me, her wide-eyed-oooooohhing-drooling-husband who can't seem to contain his excitement smelling the box and with the gollum-like attitude opened the box like it's his precious...

excited lang po, pasensya na hehe. It has been decades when I last saw, smell and taste one so can you imagine the violent reaction when I was given one box? The child in me that has always been there rejoiced, jumped and shouted for victory!!!!


hmm, the taste, the smell...i am enjoying my Christmas in the middle of the year.

Friday, July 10, 2009

Adik sa yo



yan ang mga dahilan ngayon kung bakit nakakaligtaan ko na namang mag-update hehehe. mga application sa facebook...
me bloggers din akong kakilala ang nawiwili dyan, minsan nagkikita-kita kami kapag harvest time hehe...

Wednesday, June 17, 2009

Retro, Baby!

Don't you just love it (or hate it!) that when you're on the look out for something, temptations like this one will pop up on the horizon and lets you drool like a hungry wolf? Well, I am no wolf but, yeah, I am drooling!!!

Introducing: The Olympus Pen (not a compact, not a dslr, it's a PEN)

(For detailed review, go here).


And no, that's not my new camera (how I wish!!!) as I cannot afford this very high-end, very expensive piece of toy. But I can dream right? :)
(Pictures were all taken from dpreview.com)

Monday, June 08, 2009

Love affair

2003 nang una kitang nakita, una kitang napagmasdan, una kitang nahawakan. Alam kong merong mas higit ang katangian kesa sa iyo pero ikaw na iyong gusto ko, nakuha mo na ang atensyon ko, at kahit sa unang tagpo pa lang, yari na ako.

First outing natin ang Baguio, at kahit ilang beses ko na syang narating, iba pala ang pakiramdam nung nakasama kita, higit kong nakita ang natural nitong ganda at ikaw ang dahilan sa ibang antas ko ng paghanga.

Nasundan pa ito ng maraming beses, sa iba't-ibang lugar. Kahit ang pamilya ko ay nagustuhan ka rin, at swak na swak nga raw dagdag pa ng mga kaibigan. Higit pa kitang inalagaan, higit pa kitang pinahalagahan.

At hindi mo ako binibigo.

Alam ko ang limitasyon mo, kung hanggang saan lang ang kaya mo, pero nagagawa mong sumabay sa akin kahit sa matataas na bundok, sa malalamig na lugar, sa mga delikadong bangin at mga kwebang kahit pagapang pasukin ay di mo tinatanggihan. Dinala rin kita sa gitna ng dagat at kahit ang hampas ng mga alon ay di mo sinukuan.

Hanga talaga ako sa iyo.

Kasama kita sa mahahalagang pahina ng buhay ko, at kahit sa paglagay ko sa tahimik, nandun ka pa rin, hindi ka bumitaw. Nasa tabi pa rin kita.

Yun ang akala ko.

Unti-unti kang lumalayo. Dahan-dahan mong pinaparamdam na hanggang dun na lang ang kaya mo, na "you can only take so much..."

Para akong binuhusan ng malamig nang noong mismong kasama kita, tumigil kang bigla, tinitigan kita pero wala akong nagawa, nagpaalam ka pa rin. Hindi ako makakibo, naghabulan bigla sa isip ko ang mga taon ng pinagsamahan natin, ang mga sandaling kasama kita habang ako'y pinagpapawisan, noong sabay tayong nahahamugan at magkasama tayong nauulanan. Hindi ako makapagsalita. Eto na ba yung sinasabing wakas?

Sa bawat linggong lumilipas ay pilit kitang ibinabalik pero ayaw mo, blangkong ekspresyon lang ang nakukuha ko, ni ayaw mo akong makita sa sarili mong mata at ni anino ko'y hindi magrehistro sa iyo. Nakayuko na lang akong tatalikod at lalayo sa iyo.

Siguro napagod ka na rin. Marahil naibigay mo na'ng lahat at mali ako sa pag-aakalang inbinsibol ka, o talaga lang oras na para maputol ang lahat?

Naging bulag ako sa di pagtanggap ng sitwasyon, binigyan kita ng oras para makahinga, para makabawi, at minsang di ko mapigil ang sarili, binalikan kita at laking tuwa ko dahil di naman ako nabigo. Muli mong pinaramdam sa akin ang mga taon na tangan kita, muli mong nilampasan ang limitasyon mo at nilabanan ang tawag ng panahon...kahit sa huling pagkakataon.

Mas maluwag sa loob ko ngayon ang tanggaping mawawala ka na, mas bukas ang isip ko ngayon na balikan ang naiambag mo sa akin, na nagawa nating lampasan ang hamon at yabang ng panahon...

Hindi kita ililibing, hindi kita itatapon.

Dahil sa bawat galos ng balat mo ay naukit ang ating pinagdaanan, sa bawat bukas ng lente mo'y nahanap ko ang gusto ko. Dahil sa iyo natuto ako. At kahit antigo ka nang maituturing, kahit 3.2 megapixels ka lang, walang optical zoom, walang manual focus at walang pang-macro, pinamulat mo sa akin pano mahalin ang photography.



Paalam, camera ko at maraming salamat.

(Wala syang pangalan pero isa syang Sony DSC P-32)

Wednesday, May 27, 2009

What if...

me facebook na noong panahon ng Katipunan?



:)

i hope to post and bloghop more. so happy to be back.

Monday, May 04, 2009

I'm okay...

We're doing okay.

The last two months have been a roller-coaster ride: one second we're very happy, the next moment was the exact opposite.

Maybe it was a dash of reminder that we need to prepare more, psychologically and financially. Maybe it was a way of saying that we cannot rush everything.
Maybe we are being told to wait for the right time, for the right moment.

And when we are really ready, thru His time, on His will, He will finally give us what we thought we already have.

My wife had a miscarriage a week before my birthday, but she's doing fine, we're doing fine.

We're doing okay now, and we just thought of that chapter in our married life as "pang-balanse ng buhay." And the little angel we didn't get to see is up there with my father.

Monday, March 09, 2009

My father told me something in my dream...

I remember Lyn and I slept early that evening, and then I saw my father, very young looking and peaceful, he was wearing a polo shirt and he was with some people whose faces i cannot see, just white-blurry moving images surrounding my dad.

"Dinalaw ko lang kayo." he told me smiling.

He said something though I cannot recall what it was, or maybe I didn't understand, but I remember myself saying "Oo nga Daddy, sana nga."

I was about to say something and talk to him again but I woke up.

The next day, I told my wife about it and she said "Baka naman numero sa lotto yun, di kaya? hehe" I just smiled and remember that the lotto jackpot is nearing the P200 Million mark. I also told my mother about it and she said the same thing (lotto numbers).

It was only maybe one or two weeks ago when I found out what my dad's telling me and no, it's not about lotto numbers and I am not one of the two winners who split the more than P350million jackpot...

It's more than that, and an early birthday gift.


Yes, that's two lines for positive!!! Good news Pilipinas!!! We're going to be mom and dad soon. :)

Friday, February 27, 2009

Mt. Talim Apo

It was a nice feeling going back to mountain climbing after almost a year of outdoor inactivity. The last time that i climbed was in March 2008, something like a pre-birthday climb in Batulao. It's good to see the same old faces and meeting new ones, and taking care of first time climbers in the group is an enjoyable but also a hell of a job, now I know how the veterans felt when I came ala-turista on my first ever climb hehehe.

Mt. Talim Apo (also known as Mt. Tagapo to locals) is located in Brgy. Janosa in Binangonan, Rizal. It is very visible when one is passing the South Luzon Expressway, at Laguna de bay, it is the towering almost cone-shaped mountain. For 2009, this is the first Friendship climb organized by our group, Yapak Mountaineers, Inc., and what a way to start the year and for me to go back in climbing.

four of the seven-member group that i was assigned to guide

Here are some of the shots that I took during the climb. Enjoy. :)

daing na ayungin


lonely tree on a blue sky

one hour before six (while waiting for the sunset)

hand to heaven

almost sunset at the summit

happy weekend, everyone. Kanpai!!!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails