Friday, February 23, 2007

on the block (writer's block)

some years ago, when i was still in college and was busy with accounting and some of my org's and school activities, i still find time getting busy with the school paper. yup, i was a newspaper guy and i don't know if i was a good one or a bad one.
back then, i concentrated mostly on essays and poems, and as i always wanted to put it, parang lyrics ng kanta ng eraserheads ang takbo ng pagsusulat ko. easy to read, spontaneous at walang pretensyon. minsan tipong parokya ni edgar naman sa pagkamababaw but just the same, easy to read. medyo off lang sya para sa isang hardhitting school paper.
i must admit na hindi ako kagalingan sa pagsusulat, but if the creative juice is flowing, sige, sulat lang. marami na rin yung oras na pinipilit kong magsulat pero halos wala akong mapiga, tuyot sa ideya, lost for words. writer's block!

writ·er's block (rtrz) KEY NOUN:
A usually temporary psychological inability to begin or continue work on a piece of writing.
ngayon, i am experiencing a "partial" writer's block or a blogger's block for this case. pero teka, can a blogger's block be also considered a writer's block?
sa dami ng nagba-blog ngayon, pwedeng ikonsedera yan. pero marami rin ang pumupuna at nagsasabi na blogging is not really writing (duh!) kasi raw walang disiplinang sinusunod dito. siguro kung old school writing ang pag-uusapan, itsapwera nga ang blogging, pero who cares di ba? (uhm, teka lang, ano ba ang old school writing?? hehe)
i believe writing should not be put in a box, yung hindi tipong ganito dapat, ganito dapat at hindi ganyan. siguro kung script yang binubuo mo, maaaring you'll follow a certain path, kung nobela naman, ibang usapan din yan.
sa blogging, sariling atake na yan, walang pakialaman. kung ayaw mo, wag mo. c",)
pero ngayon kahit sa blogging, parang trying hard ako, ilan taon kayang nabakante sa pagsusulat? hala, matagal na rin pala. kinalawang na rin, wala kasing practice. inisip ko na once you have it, you'll always have it, tama, pero di ko naisip na you should also nurture it at yun ang mahalagang part. na binalewala ko. hindi pala ito katulad ng pagbibisekleta na kapag natutunan mo na, for life na yan, kahit 48 years ka pang dehins mag-bike.
i am trying to bring it back, and blogging is a good exercise for it at bonus pa yung "interactive mode" nito. just like the day after a first gym workout, i am feeling the pain for using my longtime stagnant writing muscles (talaga lang ha lol) pero pakonti-konti, i'll get there. dahan-dahan lang hanggang masanay ulit, just like lifting weights, start with the light one and as your muscles get used to it, dagdag pa ng weights! sana lang maging maskulado ako pagkatapos nito. hahaha.
motto ko pala nung high school: try and try until you die, if you die at least you try. (hanep, slum book na slum book ang dating!)
but it's true, im gonna try and try writing again wag na lang sanang umabot sa die part, ayaw ko pa yata nun. hehe
and with the writer's block? itulog na lang yan!

19 comments:

vernaloo said...

hindi ka kagalingan sa lagay na yan? trying hard writer ka sa lagay na yan? hala! I totally disagree dude!

Anyway balik ako..lunch lang...di pa tapos comment ko ha hehe

vernaloo said...

so to continue....

the one thing I love about blogging is that we can be spontaneous about it. Di ba sa essay writing may mga rules na dapat yung main idea should be in the first or last paragraph or something to that effect. Eh sa blogging kahit walang sense puwede! hehe

Anyway talagang ganyan..minsan masyado akong inspired sumulat at pag ganun tuloy-tuloy talaga ang pag type ko. Pero lately parang feeling ko wala akong ganang sumulat. Parang wala sa mood. Kaya sabi ko nga di na lang siguro muna ako magpo-post kasi makikita mo talaga yung entry na parang pilit lang tinapos or ginawa just so may ma post :)

zherwin said...

nung high school (talagang binalikan hehe), sa newswriting tandaan daw dapat K.I.S.S or keep it short and simple, pati na rin ang inverted triangle approach, i.e. yung main ingredient nasa itaas tapos hihimay-himayin na lang sa later paragraphs. mahahalikan ako ng teacher ko nito, alam ko pa hehehe

zherwin said...

at idagdag ko na rin, kaya minsan masarap ding mag-photoblog to save you the effort of writing. hehehe uy love ko photography ha, confusing na nga kung photoblog ba gagawin ko o plain blog.

vernaloo said...

baka nga pikutin ka pa ng teacher mo hehe di ko alam ang K.I.S.S. na yan...pero kiss alam ko bwahahaha

Anyway you can do both naman eh...at least may variety. I think pictures spice up the blog also. Maganda din kasi na paminsan-minsan eh may makikita kang ibang colors :)

snglguy said...

I'm sure you'll find something to blog about, just look around you...

Even the most boring of subjects can be made interesting so long as you know how to.

zherwin said...

@snglguy - i know, i guess it's just natural, even songwriters experience this..

zelle said...

Anong di magaling? kung high school pa nga lang nagsusulat ka na then you are gifted with the talent of writing!

tama ka blogging has no rules. whatever comes to mind that you feel like blogging is good enough...kaya lets blog and blog!

dodongflores said...

You're a gifted writer, I'm telling you... You have your own style, and writing in blog is one of it...

Abaniko said...

Just blog on. Express yourself and don't mind the rules. Who cares about them anyway? This is not a newspaper. Not even a magazine. It's a blog and it's supposed to be spontaneous (for me at least).

But you're correct. Do photography so when you're not inspired to write, you can just post pictures. I do that often. Haha.

Basta Zherwin, enjoy ka lang sa blogging. That's all that matters.

Leah said...

Writing exercise, that's good. I think I might need to increase my weights a little bit too. My creative juice is not flowing well as well.

You write well though. Its good to read your blog. Refreshing!

zherwin said...

@zelle -

zherwin said...

@zelle - salamat, minsan lang kasi nawawala yung grip natin sa pwede nating gawin, but we can always comeback, buti nga me blog para makahabol ako ng pakonti-konti..

zherwin said...

@dodong - i think everyone can write, tyagaan lang para mas humusay, ako i didn't lost interest, i just lost some time and steam in doing it.

zherwin said...
This comment has been removed by the author.
zherwin said...

@abaniko - yeah, who cares di ba nga? basta ba enjoy sa blogging, mainggit na lang sila hehe

zherwin said...

@leah - thanks, i think we need to continuously feed our mind for that juice to continue flowing, sabi nga, sulat lang ng sulat, in our case, blog lang ng blog! :)

Lazarus said...

I read something about accounting and writing on this post. Accountant ka ba zherwin? Thanks for visitng my site.

zherwin said...

@lazarus - yeah accountant ako, at medyo rare yung posisyon ko because i don't deal with taxes hehe.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails