Monday, February 26, 2007

trees

parang puno, ganyan tayo.
may buhay, may panahon ng taglagas,
kelangang kumapit sa lupa kundi mabubuwal
mamamatay.
san ba tayo dadalhin ng hangin?
igugupo?
sisirain?
hahampasin?
sasabay, lalaban?
kakampi ba natin ang ulan?
kaisa ba natin ang araw?
sa pagyuko natin kasabay ng buwan
may bituin pa kayang
hahalik
sa hamog ng nakaraan?
sa muling pagsibol mula sa kinasadlakan
makikita pa kaya ang dating natatanaw?
o kawalan na lang
ang sasalubong sa dahon ng pagmamahal?
yumukod na lang sa takip silim
hayaang yakapin ng lamig
hayaang hagkan ng usig
sapagkat sa paggising
isang tinig
ang maghahatid
ng isang damping
kasing kinis ng tubig.

2 comments:

Leah said...

Napakagandang tula. Gawa mo ba yan?

zherwin said...

yup, medyo groge nga lang kasi pinuwersa ko yung sarili with that hehe

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails